Kailangang may saksi kapag ibinibigay ng manager ni Mahal ang pera nito
July 20, 2003 | 12:00am
Hindi alam ng kanyang mga kaibigan kung nagbabawi ngayon ang isang aktres pero, hindi nagugustuhan ng mga ito ang madalas na pagpapapunta ng aktres ng kung sinu-sino sa kanyang condo unit.
Mga mismong kaibigan na ng maganda at magaling na aktres ang nagrereklamo ngayon, ang mga tao na mismong nagmamalasakit sa kanya.
Dati kasiy bahay-trabaho lang ang rota ng aktres nung nagsasama pa sila ng kanyang ka-live-in, narerendahan siya ng lalaki, kaya gusto man niyang magliwaliw ay may nakapipigil sa kanya.
Pero nang maghiwalay na ang magka-live-in ay parang nakawala sa kural ang babae, para na siyang si Annie Batungbakal na gabi-gabiy nasa disco, talagang halos sa bar na siya nakatira.
Nung una, akala ng kanyang mga kaibigan ay ginagawa lang niya yun dahil nagpapalipas siya ng sama ng loob dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang naka-live-in, pero mukhang hindi na ganun ang nangyayari ngayon dahil nagwawala na siya.
Minsay nag-usap-usap ang mga kaibigan ng aktres, nagkasundu-sundo sila na iiwasan na ang aktres para maramdaman nitong mali ang kanyang mga ginagawa. Nagdalawang-isip sila, paano kung tuluyan na ngang mapariwara ang aktres?
Sana nga ay gamitin naman ng aktres na ito ang kanyang utak, matalino siya, at bukod dun ay nabibilang siya sa isang kilalang pamilya.
Kung ganyan ng ganyan ang pinaggagawa ng aktres na ito ay lalo siyang pagtatawanan ng naka-live-in niyang aktor na maayos na ang buhay ngayon.
Kung gugustuhin ng aktres na madiretso ang kanyang buhay ay naniniwala kaming kaya niya yun, matindi ang powers ng aktres na ito, dahil dati namay maayos ang kanyang kapaligiran.
Tapos na ang gulo sa pagitan ng pamilya ni Mahal at ng kanyang manager na si Ramon Yuson. Mas pinili nilang tuldukan na ang isyu, para pare-pareho na silang manahimik.
Ang mali lang ni Ramon ay hindi kasi siya naging tapat kay Mahal. Positibo naman ang kanyang aksyon at para naman ito sa career ni Mahal, pero nabigyan ng maling interpretasyon.
Ipinambili raw niya ng pansit at puto ang nawalang pera ni Mahal, dapat sa una pa lang ay sinabi na yun agad ni Ramon sa pamilya ng bulilit na TV host, pero ginawa lang niya yun nang magkabukuhan.
Dun na lang sila nagkalinawan, na kung hindi pa lumabas sa mga pahayagan ay hindi magagamot, kaya maganda na rin ang nangyari.
Ngayon ay may pag-uusap na ang magkabilang panig na kapag ibibigay ni Ramon ang talent fee ni Mahal, ang kailangan ay may nakaharap na miyembro ng pamilya na otorisado ng mag-anak, hindi basta kina Raquel at Mahal lang yun ibibigay ni Ramon.
Para nga naman maiwasan na ang mga pag-aalinlangan, para makaiwas na sila sa kung anu-anong isyung pera ang pinagmumulan.
At mas maganda naman kasi talaga ang malinaw kaysa sa malabo para magpatuloy ang magandang samahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am