^

PSN Showbiz

Lani lilipat na sa Dos

- Veronica R. Samio -
Malakas ang bulung-bulungan sa GMA7 na hindi na magtatagal sa network na ito ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Tila raw napapayag na siya ng ABS CBN na lumipat. Syempre, kapag nagkaganun mapapanood na siya sa ASAP na kung saan nanggaling sina Ariel, Pops at Martin. Sana ay huwag siyang magkamaling pumayag na magsuot ng damit na katulad ng mga bagets dun, na tulad din ng ginawa ng Divine Diva na si Zsazsa, dahil dalawa na silang magmumukhang nanay ng mga batang artista sa show.
*****
After Kuya Germs Moreno, marami naman ang gustong sundan ang kanyang bakas at dumiskubre ng mga bagong mukha. Di nga lamang tulad niya ang sistema pero ang end result ay ganun din.

Isang dating kasamahan sa hanapbuhay ang nagpapatakbo ng isang Image Model Search. Ito si Tom Adrales, nag-spearhead ng Circle of 10 Model Search. Ika-4th year na ng nasabing pakontes na naglalayong tumuklas ng mga kabataang pwedeng maging modelo sa advertising, print o TV, o kaya ay ramp models o artista kaya in the future.

Nakapili na ng 39 kandidato, 17 babae at 22 lalaki na may edad mula 15 hanggang 18. Sampu sa kanila ang pipiliin sa isang magarbong grand finals sa Agosto 9 sa Aliw Theater sa Star City, CCP Complex. Hosts sina Ryan Agoncillo at Bb. Universe Karen Agustin. Magiging panauhin sina Kyla, Luke Mejares at Cody Moreno. Mapapanood ito sa isang delayed telecast sa Setyembre 13, 9 n.g. sa RPN 9.

Ang mga finalists ay sina (Female): Jane Lorraine Santos, Camille Rodriguez, Janna Pablo, Janice Ortaleza, Gretchen Pena, Erika Pangan, Dorothy Coligado, Regine Mariano, Jennylyn Mercado, Bridgette Williams, Fatima Gutierrez, Monica Secades, Melanie Mendoza, Aimee Tuazon, Marielle Pineda, Arriane Simon at Julianne Crisostomo. (Male): Harry Brown, Edgar Mendoza, Nico Villar, Mark Joseph Tam, George Ty, Jan Michael Vincent Morada, James Llagas, Rainier Castillo, Mark Anthony Chavez, Patrick Zamora, Akira Jay Omori, Alvin Aragon, Jigs Cristobal, Carlo Kenneth Cruz, Rafael Yulo, Prince de Belen, Jack Mendoza, Alex Lee, Dion Joseph Ignacio, Daniel Bolle, Joseph McIrvin at Jojo Hermogenez.
*****
Sana nga ay magawan ng paraan ng bagong pamunuan ng FAMAS, lalo na ang bagong halal na pangulo nito na si Art M. Padua, na mapaganda ang image ng organisasyon nila na nabahiran ng kontrobersya nitong huling bigayan ng awards.

Pati ang aming kaibigang si Nap Alip ay napilitan tuloy na idemanda ang isa niyang kasamahan sa organisasyon ng libelo.

Nauna na ang FAMAS sa pagbibigay ng award. Malaki na ang pangalan nito. Sana ay maisauli ng mga bagong halal na opisyal ang paggalang ng publiko sa FAMAS.

Kasamang nahalal ni Padua sina Chit Sambile, 1st VP; Sonny Chico at Bonnie Paredes (SLN), 2nd VPs; Elvie Gonzales, Sec.; Adolfo Sangalang, Treas.; Dennis Aguilar, Auditor; Robust Morota, PRO; Sonny Cabedo, Marshall. Board of directors sina Andy Beltran, Ninoy Sofranes, Fe Aguinaldo-Sunpongco, Salvador Almario, Enrico Villa, Nap C. Alip, Ramses Aseron at Alice Vergara.
*****
Blind Items:
Totoo kaya naman ang balita na kaya nag-split ang isang popular showbiz couple ay dahilan sa ipina-tsugi ni babae ang dinadala niya sa sinapupunan na ang ama ay ang boyfriend niya? May record sa isang kilalang ospital sa Kamaynilaan si babae nang ma-confine siya rito kaya hindi niya maipagkakaila ang nangyari sa kanya. Nagalit daw si lalaki at nakipag-split kay babae dahil hindi niya mapapatawad ang kasalanan nito.
*****
Madalas daw guests ng isang seksing comedienne sa kanyang bahay sa isang exclusive village ang isang parehang bagets na akala ng marami ay nag-split na pero, hindi pala at ongoing pa ang relasyon. Naging hangout na nila ang house ni sexy star at dun nila ginagawa ang kanilang tsikahan, kainan at inuman, na malayo sa mata ng publiko.

vuukle comment

ADOLFO SANGALANG

AIMEE TUAZON

AKIRA JAY OMORI

ALEX LEE

CENTER

ISANG

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with