^

PSN Showbiz

Diabetes ni Gary, hadlang sa paggawa niya ng album sa US

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Kung ang ibang artista ay nag-aambisyong magpadagdag ng boobs, kabaliktaran nito ang problema ng isang sexy star dahil sobrang laki ng boobs niya. So para maging proportion sa katawan niya, pinabawasan niya raw ito sa gilid at saka inilagay sa may bandang nipple ayon sa source ng Baby Talk.

Kasi nga raw, kahit dalaga pa siya parang nagpa-breast feed na ang hitsura ng boobs nito kaya go siya sa doctor para ipaayos. Successful naman daw ang operation kaya huwag kayong magtataka kung nag-iba ang shape ng boobs ng sexy star na ito.
* * *
** Nahihirapang mag-decide ang butihing may bahay at the same time manager ni Gary Valenciano kung tatanggapin nila ang offer ng isang American producer na mag-record ng album si Gary sa States. Ang worry ni Ms. Angeli, nag-aaral ang mga anak nila rito at hindi pwedeng mag-transfer sa States kung saka-sakali. "Kailangan kasing kasama ako ni Gary dahil sa kanyang diabetes. Hindi ko siya pwedeng iwan. Eh paano naman ang mga anak namin, sinong mag-aalaga?" she laments.

Nanghihinayang siya sa opportunity, pero kailangan din naman siya ng mga anak nila na pare-parehong sa Ateneo nagi-iskuwela.

Right now, nanghihingi pa sila ng sign sa Diyos kung ano ang puwede nilang gawin.

Anyway, matagal-tagal na rin nating hindi napapanood si Gary sa concert. Most of the time kasi, sa abroad siya nagpi-perform.

Kelan lang ay nag-US tour siya kung saan an estimated 3,000 Americans gave him a standing ovation pagkatapos niyang kantahin ang "Take Me Out of the Dark" sa Jubilee Christian Center sa San Jose, California.

Earlier in Nashville, American recording artist Jonathan Pierce signified his desire to record the song na isang Gary V classic, "Could You Be Messiah" na kinompos ni Gary with Freddie Santos na siyang sumulat ng lyrics.

Isa pang artist, si Jason Perry ang Plus-One asked for the right ng Shout for Joy.

Maging sa Chicago and Atlantic City ay ganoon kalakas ang pagtanggap sa kanya nang mag-concert siya roon.

Sa San Diego, tinanong si Gary ng Voice Director for Animation ng Warner Brothers’, Andrea Romano kung gusto niyang i-pursue ang pagi-score ng film sa Hollywood. Ito ay matapos nitong (Andrea) marinig ang instrumental CD ng mga composition ni Gary, Beyond Words.

Napanood din si Gary ng live sa 700 Club USA with host Gordon Robertson sa isang live broadcast sa Virginia Beach. Una siyang pinakilala ni Mr. Robertson as "my favorite singer" na aabot sa 1,000,000 ang nakapanood.

After ng success niya sa US, babalik si Gary sa ten-night series sa Music Museum starting next month na tatagal hanggang first week of September.

Maraming nagtatanong kung paano ni Gary nakakayang mag-show pa ng ganoon katagal samantalang common knowledge naman na juvenile diabetic siya. ‘Yung may katulad niyang sakit, namatay na.

Statistically, sinabi ng doctor kay Gary at sa wife niyang si Angeli, 20 years ago na ang estimated age span lang niya would be 30 years after diagnosis. Na-diagnosed ang sakit niya when he was 14, 38 years old na siya ngayon. Pero dahil sa kanyang disiplina sa katawan, malakas pa rin si Gary at na-break niya ang medical records na dapat by this time ay mahina na siya.

Kakaunti ang nakakaalam ng sakit ni Gary. Hindi kasi nakikita ng mga fans kung paano siya inaatake. Ang alam lang ng karamihan ay ang pagiging simple singer niya na humahataw ng sayaw at kanta.

In any case, nag-decide ang Genesis na gawin ang series na ‘to para magkaroon ng chance ang marami sa atin na muli siyang mapanood na mag-concert. "This is a night of revivals and current hits arranged by myself and my good friend, Mon Faustino," he said. Mga kanta mula sa pelikula at pop albums. Added attraction ang anak niyang si Gabriel na nagmana ng talent ng pagsayaw at pagkanta kay Gary. Magi-start ito sa August 8, 9, 15, 16, 22, 23, 29, 30 and September 5 and 6, 9 p.m.

ANDREA ROMANO

ANGELI

BABY TALK

BEYOND WORDS

CHICAGO AND ATLANTIC CITY

GARY

KUNG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with