Ayaw ni Jomari na mag-pulitika si Aiko
July 11, 2003 | 12:00am
Ang dami-daming taong nakikilahok sa usaping Konsehal Aiko Melendez at Ara Mina. Halos lahat ng nagpapadala ng mensahe sa amin ay mga taong hindi namin kilala, wala sa aming fonebook ang kanilang mga numero.
Wala namang masama kung patunayan man naming hindi sila manloloko, ang mga detalyeng ipinadadala nila sa amin ay binibigyan namin ng panahon, at kami mismoy nagugulat dahil totoo ang mga impormasyong ipinadadala nila sa amin.
May isang address na ipinadala sa amin ang isang texter, pinababantayan nito sa amin kung sinu-sino ang umuuwi at nagtatagpo doon, kami na raw ang magpatunay sa aming sarili kung sino ba kina Aiko at Ara ang nagsasabi ng totoo.
At may napatunayan kami sa aming sarili, kung anuman yun ay sasarilinin na lang muna namin, saka na lang namin ilalabas ang mga impormasyon kung kailangan na.
Hanggang ngayon ay matindi ang paninindigan ni Konsehal Aiko, isa sa mga naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Jomari Yllana ay si Ara Mina, hindi niya kasi sukat-akalaing makakaya pala siyang saktan ni Ara.
"Pero hindi naman pala totoo ang sinabi niya, iba pala."
Pareho na silang malaya ngayon ni Jomari Yllana, may legal nang tuldok ang kanilang relasyon.
Ayon kay Ara, ang isa sa mga naging disgusto ni Jomari kay Aiko ay ang pagpasok nito sa mundo ng pulitika.
"Imposible ang sinasabi niya, dahil si Jomari pa ang nakipag-usap kay Mayor Belmonte nun, sila ang nag-usap tungkol sa pagkandidato ko, kaya hindi totoo yun.
"Aminado naman ako na during the campaign period, nagkulang talaga ako ng panahon kay Jom, pero yung pagkandidato ko, pinagdesisyunan naming pareho," paglilinaw ni Konsehal Aiko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended