^

PSN Showbiz

Young actor tinikman ngs exy star

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagkita sa isang showbiz happening ang young actor na unti-unti nang gumagawa ng pangalan at isang sexy star na kahit mga late 20’s na ay maganda pa rin at flawless.

Nagpakita agad ng motibo ang aktres sa young actor at dinidikitan na ito tuwing sila’y may laro.

Makalipas ang dalawang araw ay tinangay na ng aktor ang sexy star. Dun sa condo unit nito natulog ang aktres.
‘Alab Ng Lahi’, Ginagamit Na Sa Iskwela!
Naikwento ng Girl Friday ni Robin Padilla na kagagaling lang pala nito sa sakit. Hindi nito nakayanan ang sunud-sunod na taping ng programa nila ni Judy Ann Santos na Basta’t Kasama Kita. Hindi kasi sila nakapagreserba ng extra episodes ng show kaya naging limang araw ang taping.

Sa kabilang banda, kung naging matamlay man ang kita ng kanilang entry ni Jacky Woo sa nakaraang MFF na Alab ng Lahi ay ratsada naman ito ngayon sa lalawigan. Katunayan, tinangkilik ito ng mga estudyante lalo na sa Cavite, Batangas at Quezon Province kung saan iminungkahi ng DECS na panoorin ito.

Sa isang iskwelahan sa Cavite ay nagkaroon pa sila ng symposium tungkol sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa bayan at pagtalakay ng values lalo na sa mga kabataan.

Nagagamit din ito ng mga guro sa kanilang mga aralin kung saan ini-integrate nila ang pelikula sa Social Studies, Character Education at History.
"Direk", Tawag Ni Manilyn Kay Aljon
Napuna namin sa taping ng Today’s Mom hosted by Gigi Malonzo, Manilyn Reynes at Joan Canete Chan na "Direk" ang tawag ni Mane sa asawa. Kami man ay nagtataka kung bakit si Aljon Jimenez ang kinuhang direktor ng show.

Ayon sa mga hosts noong nag-brainstorming sila ay maraming magagandang ideas ang aktor kaya na-impress ang lahat. Mahilig palang magbasa ng libro si Aljon lalo na sa directing kaya marami itong alam.

Sinabi pa ni Mane na pagdating sa trabaho, sinisita siya ni Aljon. Ipinagmamalaki ng dalawa na sa pagdaan ng maraming taon ay naging matatag ang kanilang pagsasama. Wala silang yaya kaya sila mismo ang nag-aalaga ng kanilang mga anak.
Di Pa Pwedeng Magdirek
Napanood ko ang pelikulang Mga Babae sa VIP Rooms at gusto kong magbigay ng puna sa direktor nito. Hindi nito binigyang pansin ang continuity ng kanyang eksena. Gaya ng isang eksena sa tindahan kung saan bumibili ng pandesal sina Brando Legaspi at Rose Valencia. Nakasuot ng yellow polo shirt with long sleeves si Brando pero nagulat ako nang maya-maya’y binabastos na si Rose ng mga maton at apir si Brando at nakikipagsuntukan pero iba na ang suot na polo shirt at naka-short sleeves na. Nagtawanan tuloy ang mga manonood. Aware kaya si direk sa error niya? Halata ring luma ang print na ginamit kung saan hazy ito na parang may ulan-ulan, parang segunda manong print, di kaya?
Chynna, Tumigil Na Sa Pag-Aaral!
Nasa college na si Chynna Ortaleza na ka-loveteam ni Richard Gutierrez sa Click pero napilitan itong tumigil dahil sa dami ng commitment. Isa nga siya sa pinakaabalang young star sa GMA 7. Bukod sa Click ay kasama pa rin ito sa Habang Kapiling Ka at tuwing Linggo sa SOP. Mapapanood na rin si Chynna sa Luv 2 Luv na papalit sa soap opera na Kahit Kailan, Huwebes lang ang kanyang pahinga.

Ang kanyang ina ang tumatayong manager nito kaya lagi niyang kasama sa mga lakaran. Si Chynna ang pinakabunso sa tatlong magkakapatid at nag-iisang babae.

Nagsimula ito sa showbiz bilang child reporter ni Che Che Lazaro sa 5 &Up. Maganda ang tambalan nila ni Richard Gutierrez. May nagtatanong tuloy kung totoo bang nililigawan siya ng kapareha?

"Naku, Tita, we are the best of friends at maganda ang working relationship namin. Malambing si Richard at very thoughtful kaya nagkakasundo kami pero hindi siya nanliligaw," aniya.

vuukle comment

ALAB NG LAHI

ALJON

ALJON JIMENEZ

CENTER

KAYA

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with