Kris, endorser na, designer pa ng bag
July 10, 2003 | 12:00am
Hindi ko alam kung sino sa Leonardo bags o kay Kris Aquino ang maituturing na mas maswerte. Ang una bang nabanggit na kumpanya na bagaman at palaging pinaparangalan dahilan sa mga magagandang produkto na inilalabas nito at lalo na sa pangyayaring nakuha nilang endorser ang itinuturing na hindi lamang isang credible na endorser kundi isa ring mahusay na TV host. O si Kris Aquino na mayroon na namang nadagdag na kumpanya sa kanyang humahabang list of endorsements and for sure malaking halaga ang naging kabayaran niya sapagkat kilala siyang mas gumagamit ng mga imported and branded labels.
"Im very particular about the product that I endorse. It has to be something I believe in, or something that I actually use. Although its a local brand, Leonardo bags are of very good quality, so I am happy to endorse them," ani Kris.
Bukod sa pag-i-endorso ng mga Leonardo bags, maglalabas ang kumpanyang gumagawa nito ng isang bagong koleksyon na ididisenyo ni Kris. Mayroon itong mga kulay na magpapakita ng vibrant personality ni Kris.
Sabay na ilulunsad ito at si Kris bago matapos ang buwang ito.
Madalas ding makikita si Kris sa mga malls para sa promosyon nito. Pipirma rin siya ng autrographs. Pagkakataon nyo nang makita ng personal ang isang napaka-kontrobersyal na aktres at TV host.
Magkakaroon ng premiere nights ang pelikula ng Viva Films na Masamang Ugat at sa Biyernes Hulyo 11 sa SM Megamall Cinema at sa SM San Fernando, Pampanga, Cinemas 5 at 6 sa Lunes, Hulyo 14.
Ang pelikula ay nagtatampok kina Eddie Garcia, Victor Neri, Mikey Arroyo, Al Tantay, Maui Taylor Gwen Garci at Ace Vergel. Dadalo silang lahat sa pa-premiere kasama ang direktor ng pelikula na si Willie Milan.
Magsisimula ang premiere nights ng 7:30 n.g.
Nalagay na naman sa alanganin si Ara Mina sapagkat mas marami ngayon ang naniniwala na may kinalaman siya sa pagkawasak ng marriage nina Aiko at Jomari kung bakit naman kasi isinulat pa siya ng publiscist niya sa isang column na ginagamit nito para sa kanya ngayon. Marami itong dapat gawin para malinis ang pangalan ni Ara.
Pinaniniwalaan na guilty si Ara dahilan sa ayaw niyang magsalita. Kung kailan pa naman okay na okay na ang career niya, saka siya magkakaroon ng ganito kaselang problema. Sana malusutan niya ito.
"Im very particular about the product that I endorse. It has to be something I believe in, or something that I actually use. Although its a local brand, Leonardo bags are of very good quality, so I am happy to endorse them," ani Kris.
Bukod sa pag-i-endorso ng mga Leonardo bags, maglalabas ang kumpanyang gumagawa nito ng isang bagong koleksyon na ididisenyo ni Kris. Mayroon itong mga kulay na magpapakita ng vibrant personality ni Kris.
Sabay na ilulunsad ito at si Kris bago matapos ang buwang ito.
Madalas ding makikita si Kris sa mga malls para sa promosyon nito. Pipirma rin siya ng autrographs. Pagkakataon nyo nang makita ng personal ang isang napaka-kontrobersyal na aktres at TV host.
Ang pelikula ay nagtatampok kina Eddie Garcia, Victor Neri, Mikey Arroyo, Al Tantay, Maui Taylor Gwen Garci at Ace Vergel. Dadalo silang lahat sa pa-premiere kasama ang direktor ng pelikula na si Willie Milan.
Magsisimula ang premiere nights ng 7:30 n.g.
Pinaniniwalaan na guilty si Ara dahilan sa ayaw niyang magsalita. Kung kailan pa naman okay na okay na ang career niya, saka siya magkakaroon ng ganito kaselang problema. Sana malusutan niya ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended