^

PSN Showbiz

Sabay na nagdya-judge ng personality contest at nakikipag-usap sa cellphone si Rufa Mae!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nanood kami ng Grand Finals ng Crush ng Bayan sa Eat Bulaga noong Sabado. Isa sa mga judges ay si Rufa Mae Quinto.

Kaya lang napuna namin na nakikipag-usap ito sa cellphone at nakaka-tatlong contestant na ay may kausap pa rin ito.

Paano kaya siyang makakapag-judge ng mabuti kung wala ang konsentrasyon sa mga candidates?

Siguro mas maganda kung pinatay muna niya ang kanyang cell. Ma-focus man siya sa kamera na makikitang concentrated siya sa kanyang pagiging judge.
Jacky, 1st Foreigner Na Na-Nominate Bilang Best Actor
Hindi naman pinanghinaan ng loob si Jacky Woo kahit naging matamlay ang kita sa takilya ng Alab ng Lahi sa MFF dahil nabigyan ito ng B-rating ng Cinema Evaluation Board at inindorso pa ng DECS. Masaya na rin ang Japanese actor dahil siya ang unang dayuhang naging nominado para sa best actor for the said movie.

"Tutal kasali naman ang pelikula sa Fukuoka International Film Festival this September sa Japan at baka magbigay ito ng karangalan sa atin. Plano ko pa ring gumawa ng pelikula sa bansang itinuturing kong second home," anang aktor sa tulong ng interpreter.

Patungong China si Jacky kung saan magsisimula na ang syuting ng kanyang international movie kasama ang ibang mga action superstar ng Asia. Hindi siya producer dito kundi artista na magpapama- las ng galing sa martial arts.
Angel, Pambato Ng Gma
Kung may Heart Evangelista ang Dos ay mayroon ding pambato ang GMA 7 sa katauhan ng napakagandang si Angel Locsin.

Si Angel na nahahasa na sa pag-arte ay alaga ni Becky Aguila ng Entertainment and Marketing Services. Seventeen years old lang ang young actress na ka-loveteam ng sumisikat ding gwapong aktor na si Railey Valeroso. Bagay ang tambalan ng dalawa sa Click at marami na rin silang hukbo ng tagahanga. Pangarap ni Angel na ma-maintain ang wholesome image at maging huwaran ng mga kabataan.
Ara Mina, Marunong Tumanaw Ng Utang Na Loob
Dalawang beses nang tumanggap ng award bilang best actress si Ara Mina pero nagtataka ang iba kung bakit pumayag pa itong magpa-handle uli kay Buboy Tan at sa isang bagong movie outfit lang. Sabi nga nila ay dapat na mamili na ng proyekto si Ara Mina at magpa-handle na lang sa mga premyadong director.

"Tita, si Direk Buboy kasi ang unang nagdirek sa aking first sexy movie titled Maldita. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at hindi ko malilimutan na minsang naging bahagi siya ng aking career," aniya.

Magagaling naman ang mga kasama niyang aktor sa Kalabit gaya nina Raymond Bagatsing at Carlos Morales na nakasama na rin ng magandang aktres sa Laro sa Baga.
Mukhang Matanda Na Ang Aktor!
May nakakita sa gwapong aktor na ito na nagkaroon ng matinding problema ang pamilya dahil sa pyramid scam.

Bukod sa wala na ang negosyo nito ay nawala rin ang halos P5M investment nito sa kompanya. Ito marahil ang dahilan kung bakit mukhang tumanda na ang aktor ayon sa aking source. Malabo nang makuha nito ang na-invest na pera dahil nakakulong na ang binigyan nito ng malaking halaga.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ARA MINA

BECKY AGUILA

BUBOY TAN

CARLOS MORALES

CENTER

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREK BUBOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with