"Hindi pa matsusugi ang 'Daboy' - Rudy
July 4, 2003 | 12:00am
Isang insider ng GMA-7 ang nag-deny na tatanggalin na umano sa ere ang weekly sitcom nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno, ang Daboy En Da Girl.
"Paano tatanggalin ang isang programa na maganda ang ratings at suportado ng mga advertisers?" say ng aming source.
Maging si Daboy (Rudy) ay nagtataka sa mga naglabasang balita na titigbakin na umano ang programa niya sa Siyete.
"Walang planong ganoon," aniya. "Masaya ang management sa takbo ng programa kaya walang dahilan para tanggalin nila ito. Although prerogative ng management na magtanggal ng programa, siguro naman, may karapatan kaming malaman kung ano ang kanilang plano sa programa," pahayag ni Daboy na nagulat sa mga naglabasang balita tungkol sa kanilang programa.
"Natigil lang ang taping namin kasi nasa abroad si Osang pero nakapag-advance taping na kami for the month of July at magre-resume naman kami ng taping pagbalik ni Osang," dagdag ni Daboy.
Samantala, sinabi sa amin ni Daboy na may alok sa kanya ang Siyete para sa isang teleserye at gusto niya itong subukan although hindi pa niya umano alam ang ibang detalye tungkol sa bagong show. Pero hindi umano ito nangangahulugan na mawawala na ang Daboy En Da Girl because magkakaroon siya ng teleserye.
Samantala, pinaghahandaan na ni Daboy ang balik-tambalan nila ni Maricel Soriano sa ilalim ng Maverick Films. Unang nagkatambal ang dalawa sa pelikulang Nagkataon, Nagkatagpo.
Six months pregnant ngayon si Giselle Sanchez sa kanilang magiging first baby ng mister niyang si Emil Buencamino. She is due to give birth last week of September.
Kahit malaki na ang tiyan, tuloy pa rin ang raket ni Giselle. Katunayan, nakasabay namin ito sa eroplano last Saturday patungong Tacloban dahil may show sila kinagabihan sa Ormoc City na nagdiriwang ng kanilang fiesta. Nakasama niya sa show sa Ormoc sina Diana Zubiri at Michael Josh Santana. Nakasabay din namin sa eroplano ang Power Four na may show naman sa Leyte Park Hotel ng Tacloban City kasama ang Side A Band. Napag-alaman din namin na dumating din sa Tacloban ang True Faith, Francis Magalona at iba pang mga celebrities na may magkakahiwalay na show.
Kami naman ay nagpunta sa Tacloban para sa house blessing ng aming kamag-anak na si Al Chu (na naka-base sa Anaheim, California) kung saan naman naging special guest ang butihing mayor ng Tacloban na si Mayor Bejo Romualdez (father-in-law ni Cristina Gonzales-Romualdez). Naroon din sina Baron Geisler at Bianca Lapus, sina Mommy Lucing (ng Bahay Kubo sa Los Angeles, California) at si Joey Gonzales (also from LA) na ama ni Juddha Paolo ng ABS-CBN Star Circle Batch 11 ng Coca-Cola Hotta commercial.
Bago bumalik ng Maynila sina Diana, Michael and company last Sunday morning, dumaan muna ang tropa sa mansion ni Al Chu sa San Jose. Gusto sanang mag-change ng flight schedule nina Diana dahil gusto pa sana nilang makapamasyal sa Tacloban, pero hindi na nila ito nagawa.
Hindi na namin nahintay ang Pintados sa Tacloban last Sunday afternoon dahil ito ang flight namin pabalik ng Maynila.
Samantala, ipinagmalaki sa amin ni Mayor Bejo Romualdez na malapit nang simulan ang pagpapagawa ng bagong airport ng Tacloban na gagawing international airport.
Since very limited ang aming oras, hindi na namin nakuha pang umuwi ng Borongan, Eastern Samar which is three hours away from Tacloban. Pero napasyalan namin ang iba naming mga kamag-anakan. Nakapamili rin kami sa baratillo na nasa harapan lang ng Sto. Niño Church ng Tacloban.
Kinaray din namin ang kasamahan natin na panulat na si Julie Fe Navarro sa may highway ng Tacloban kung saan naroon ang maraming ukay-ukay at hindi ito makapaniwala sa aming mga napamili.
EMAIL: <[email protected]>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended