Dream maging drama princess
July 2, 2003 | 12:00am
Hindi kami magtataka kung dumating ang araw na makilala sa drama si Crystal Moreno. Bata pa ay lumabas na noon sa teleserye kaya pangarap ding magkaroon o mapasama sa soap opera. Magaling umarte si Crystal at idolo niya si Judy Ann Santos at Kristine Hermosa. Sa pag-awit naman ay hanga ito kay Regine Velasquez.
Masaya ito ngayon dahil napabilang na siya sa Click bilang kapareha ni Lester Llansang.
Magaling umawit si Crystal at patuloy na nag-a-undergo ng voice lesson kay Susana Pichay. Nangako ito na kahit marami siyang pinagkakaabalahan sa showbiz ay hindi niya pababayaan ang pag-aaral kung saan 2nd year na ito sa haiskul sa St. Marks Institute sa Las Piñas.
Ngayon ay 14 years old na ang dalagita at wala pa sa loob nito ang mag-entertain ng manliligaw.
TRICIA, PANG-TV NA LANG
Sa lahat ng mga taga-Click ay tanging si Tricia Roman lang ang pinakamatagal na myembro. Nagsimula ito sa Thats Entertainment hanggang malipat sa Best Frends.
Marami ang nagtataka kung bakit hanggang TV lang ang kanyang beauty.
"Wala namang dumarating na magandang project dahil puro bold o sexy ang tema na di ko kayang gawin. Hindi naman ako pinababayaan ng Syete. Paminsan-minsan ay may mga TV guesting ako sa ibat ibang programa. Enjoy ako sa Click dahil nagkaroon ako ng maraming friends," aniya.
Halos tatlong taon din silang naging mag-on ng younger brother ni Angelika dela Cruz na si Edward. Naghiwalay sila dahil nagkaroon ng third party na involved sa kanilang relasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended