Ara, gaganap ng kontrabida
July 1, 2003 | 12:00am
Dalawang beses nang nanalo bilang Best Actress si Ara Mina sa film festival.
May entry uli siya sa Metro Manila Film Festival Phils. sa taong ito na tatampukan ni Vic Sotto, ang Lastikman 2 pero hindi siya ang leading lady dito kundi ang kontrabida ng aktor.
"Tinanggap ko ang offer dahil gusto ko namang subukan ang role.
Challenging kasi ito. Isa pa, gusto ko ring maging versatile actress. Excited na ako sa pagsisimula ng syuting namin," aniya.
Iba na ang dating sa amin ni Karen delos Reyes hindi ito antipatika at mailap sa press. Palangiti na ito ngayon, isang magandang ginawa niya ay nakipagbati na siya sa kanyang ina. Dati silang may problema. Kasama siya sa Click at sa maraming TV appearances.
Malaki ang natutunan nito sapul nang matsugi sa soap opera dahil diumano sa mga negative write-ups na nakasira ng labis sa image niya.
Tiyak na magiging mahigpitan ang labanan ngayong darating na MMFFP. Bukod sa malalaking pelikula ay puro magagaling at premyadong mga aktres ang maglalaban para sa Best Actress.
Makaraan ang apat na taon ay muling gagawa ng pelikula si Nora Aunor sa Angora Films at si Elwood Perez ang direktor.
Si Susan Roces naman ang tampok sa pelikula ng Regal Entertainment na ididirek ni Erik Matti mula sa script ni Roy Iglesias.
Magbabalik-pelikula naman ang multi-awarded actress na si Lolita Rodriguez sa pelikula ng Viva Films kasama si Maricel Soriano sa direksyon naman ni Joel Lamangan.
Malakas ang dating ng First Lady ng Caloocan na si Gigi Malonzo sa mga tao dahil sa kakaibang karisma nito. Sa taping ng kanyang programang Todays Mom ng Channel 13 ay dumaan sa set si Mayor Rey Malonzo kung saan talaga namang inasikaso nito ang mga dumalaw na press people habang nagti-taping pa ang kabiyak.
Nang matapos ang take ay lumapit na ito kay Gigi at sinabing "Na-iinsecure na ako sa iyo ha! Mayroon ka ng TV show samantalang nagkakasya na lang ako sa pagiging guest sa ibat ibang mga TV shows. Baka magbalik-pelikula ka na rin," anang mayor.
Ang Todays Mom ay simulang mapapanood sa July 5, 11:00 ng umaga, Sabado, sa direksyon ni Aljon Jimenez.
Pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang tungkol sa magkaibigang aktor na super sweet sa isat isa kung saan magka-holding hands pa sila habang nanonood ng sine.
Ang nakakatuwa pa ay kasama ni Aktor A ang kanyang pamangkin para nga namang disimuladong tingnan at hindi magkakaroon ng hinala ang mga taong makakita sa kanila ni Actor B tungkol sa napapabalitang relasyon.
Pinabulaanan naman ito ng dalawa at sinabing they are the best of friends.
Feeling madera ang drama ni Aktor A dahil bukod sa pagbili ng pagkain sa bata ay panay pa rin ang pagpapaliwanag niya rito tungkol sa mga eksenang napapanood sa movie. Bawat galaw ng bata nakasubaybay pa ito.
Parehong award winner ang dalawang aktor.
May entry uli siya sa Metro Manila Film Festival Phils. sa taong ito na tatampukan ni Vic Sotto, ang Lastikman 2 pero hindi siya ang leading lady dito kundi ang kontrabida ng aktor.
"Tinanggap ko ang offer dahil gusto ko namang subukan ang role.
Challenging kasi ito. Isa pa, gusto ko ring maging versatile actress. Excited na ako sa pagsisimula ng syuting namin," aniya.
Malaki ang natutunan nito sapul nang matsugi sa soap opera dahil diumano sa mga negative write-ups na nakasira ng labis sa image niya.
Makaraan ang apat na taon ay muling gagawa ng pelikula si Nora Aunor sa Angora Films at si Elwood Perez ang direktor.
Si Susan Roces naman ang tampok sa pelikula ng Regal Entertainment na ididirek ni Erik Matti mula sa script ni Roy Iglesias.
Magbabalik-pelikula naman ang multi-awarded actress na si Lolita Rodriguez sa pelikula ng Viva Films kasama si Maricel Soriano sa direksyon naman ni Joel Lamangan.
Nang matapos ang take ay lumapit na ito kay Gigi at sinabing "Na-iinsecure na ako sa iyo ha! Mayroon ka ng TV show samantalang nagkakasya na lang ako sa pagiging guest sa ibat ibang mga TV shows. Baka magbalik-pelikula ka na rin," anang mayor.
Ang Todays Mom ay simulang mapapanood sa July 5, 11:00 ng umaga, Sabado, sa direksyon ni Aljon Jimenez.
Ang nakakatuwa pa ay kasama ni Aktor A ang kanyang pamangkin para nga namang disimuladong tingnan at hindi magkakaroon ng hinala ang mga taong makakita sa kanila ni Actor B tungkol sa napapabalitang relasyon.
Pinabulaanan naman ito ng dalawa at sinabing they are the best of friends.
Feeling madera ang drama ni Aktor A dahil bukod sa pagbili ng pagkain sa bata ay panay pa rin ang pagpapaliwanag niya rito tungkol sa mga eksenang napapanood sa movie. Bawat galaw ng bata nakasubaybay pa ito.
Parehong award winner ang dalawang aktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended