^

PSN Showbiz

Richard Gomez, nang-headbutt sa Star Olympics!

- Veronica R. Samio -
Kung may sakit lamang sa puso si Kuya Germs Moreno, malamang inatake na siya sa nerbyos nang magkaroon na naman ng gulo sa final day ng ginanap na Star Olympics 2003 na nasa kanyang pamumuno bilang pangulo ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT).

Sa ikalawang laro ng basketball between the Green and White Teams, para sa ikatlong pwesto, napikon si Richard Gomez, na myembro ng Green team na ang coach ay si Joey Marquez, sa maigting na laro sa ikalawang quarter at inuntog ang humaharang sa kanya na si Caloy Salvador ng White Team coached by Phillip Salvador na naging dahilan ng pagkakaitsa ni Caloy ng malayo at malabis na pagkahilo. Nagalit ang ka-teammate nang na-headbutt na si Jinggoy Estrada, agad nilapitan si Goma at malakas na binatukan. Kundi sa maagap na pagpigil ng ilang mga kasamahan ng dalawa ay malamang nauwi sa away ang laro.

Natural, thrown out of the game sina Gomez and Estrada na dapat namang mangyari. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ito malabis na tinutulan ng mga producer ng show for TV at idinahilan na baka sa pagkakaalis ng dalawang artista sa laro ay magtampo ang mga ito at hindi na sumaling muli next time. Ganun?!!!

Narinig ko si Estrada na nagpapaliwanag kay Kuya Germs na hindi niya gagawin ang ginawa niya kung ang inuntog ni Gomez ay kasing-taas niya at kasing-laki ng katawan.

Sa isang pakikipag-usap kay Caloy Salvador, sinabi nito na hindi agad niya mapapatawad si Goma sapagkat talaga raw masakit ang ginawa nito sa kanya.

Samantala, nag-champion sa basketball ang Blue Team coached by Jinggoy Estrada laban sa mga mas beteranong mga manlalaro ng Red Team coached by Rez Cortez.

Tanging si Carlos Morales ang matangkad sa Blue Team na ipinanalo nina TJ Manotoc, LA Mumar, James Blanco, ang pikon pa ring si Willie Revillame, Martin Nievera, Richard Arellano at ang MVP na si Niño Yllana. Kalaban naman nila sina Cesar at Rommel Montano, Onchie dela Cruz, Mike Magat, Atoy Co and Co.

Wala na sigurong tatalo pa sa drama na ginawa ng coach ng Red na si Edu Manzano. Mayroon itong mga muses (Sunshine Cruz Montano, Angela Montano at Beth Tamayo). Bawat player niya na pumasok ng court was accompanied by a policeman, o di ba?!!!!

Masaya naman ang naging kaganapan sa Star Olympics pero sana since basketball at volleyball lamang ang mga games na may mga big stars na naglalaro, dapat siguro ito na lamang ang laruin. O kung hindi man mag-isip sila ng more, popular games next time. Like billiards and tennis.

Paging Kuya Germs.

At next time, huwag nang paglaruin ang mga may maiinit na ulo at pikon. At kung natatakot ang komite na mawalan ng mga big stars, dapat sigurong, simulan nang ligawan yung mga bagets na artista, marami sila, to spearhead the coming Star Olympics.
* * *
Nasa TV na naman pala si Manilyn Reynes. Mabuti naman since di lang siya magaling na singer, na-train din siya sa That’s para maging magaling na host.

Co-host siya nina Gigi Malonzo at Atty. Joan-Canete Chan sa bagong programang Today’s Mom ng IBC 13 at napapanood tuwing Sabado, 11 am.

Ang Today’s Mom ay tungkol sa mga ina na ang buhay ay kapana-panabik sa kabila ng pagiging komplikado nito.
* * *
May filmfestival si Rose Valencia ngayong buwan ng Hulyo at Agosto. Sa July 2 ang Mga Babae sa VIP Rooms.

Sa August naman ang launching ng ATB-4 Films na Motel. Ang kanyang solo movie naman sa Mabuhay Films na Matindi Ang Sex Appeal ay sa August 20 naman.

Sa opening ng Babae Sa VIP Rooms, magbibigay ng libreng masahe si Rose kasama ang co-star niyang si Kat de Santos sa lobby ng mga sinehang pagtatanghalan ng pelikula.

Makakatulong nilang dalawa sina Angela Corteza, Annabel Borromeo, Geraldine Solis at Julia Taylor, mga bagong hubadera sa pelikula.

ANGELA CORTEZA

ANGELA MONTANO

ANNABEL BORROMEO

BLUE TEAM

CALOY SALVADOR

JINGGOY ESTRADA

NAMAN

STAR OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with