Pops, line producer na!
June 30, 2003 | 12:00am
Magiging ganap na Kristiyano na ang first baby ng mag-asawang Geryk Genasky (Aguas) at Isabel Granada na si Jerico Huberto dahil nakatakda itong binyagan sa July 20 at 5:00 p.m. na gaganapin sa Immaculate Concepcion Parish sa Balibago, Angeles City. Ang reception ay gaganapin sa Gloria Maris sa McArthur Highway.
Sina Isabel at Geryk ay ikinasal nung Disyembre 10 sa Clarkfield, Pampanga when Isabel was four months heavy with their first baby.
Although nagkaroon ng matinding tampuhan ang mag-inang Mommy Guapa at Isabel, naayos din ito bago pa man nakapagsilang si Isabel nung nakaraang Mayo 29.
Lalong matutuwa ang mga tagahanga nina Pops Fernandez at Martin Nievera kapag nalaman nila na merong ginagawang telemovie ang dating mag-asawa for GMA-7 na pinamamahalaan ni Mark Reyes. Si Pops ang may-akda ng light-romance telemovie. Siya rin ang line producer nito.
Napag-alaman din namin na matutuloy na ang pinaplanong teleserye ni Pops at isang musical show na pagsasamahan nila ni Ariel Rivera at ng iba pang singer-performers.
Super busy ngayon si Pops dahil sa kanyang pagiging endorser ng Shangri-La Mall at sa kanyang product line na Pipay. Before this year is over, magkakaroon na ng sariling Pipay store si Pops although magiging available pa rin ang mga Pipay products sa lahat ng mga Anonymous stores na pag-aari ng mag-asawang Rico at Tina Ocampo.
Balik kina Pops at Martin, marami pa rin ang umaasa na sanay magkabalikan na ang dating mag-asawa lalo pat hiwalay na umano si Martin sa kanyang non-showbiz girlfriend (of seven years) na si Katrina Ojeda. Buo ang paniniwala ng marami na may natitira pa ring pagmamahal para sa isat isa ang dalawa kahit meron silang ibang ka-relasyon ngayon.
Samantala, bakit kaya hindi ibalik ng GMA-7 ang Penthouse Live kung saan nagsimula sina Pops at Martin? Since pareho nang libre sina Pops at Martin sa kanilang kontrata sa ABS-CBN, walang magiging balakid kung muli silang pagsasamahin sa isang evening musical program tulad ng Penthouse Live.
Tila nauso ang anniversary celebration ng magkakahiwalay na TV networks na sinimulan ng ABS-CBN at sinundan ng grand celebration ng GMA-7 sa Araneta Coliseum last Friday, June 27. On July 2, isa ring anniversary concert ang magaganap sa The Tent ng Fort Bonifacio para naman sa anniversary celebration ng RPN-9. Ang mga guest performers ay kinabibilangan nina Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Kyla, Nina, Dulce, Dessa, Ivy Violan, JR, The Viva Hot Babes, The Abstract Dancers, ang Southborder at ang kaisa-isang superstar na si Nora Aunor na nagkaroon ng pinakamahabang musical variety show sa nasabing network at sa kasaysayan ng telebisyon, ang Superstar. Ang nasabing anniversary concert ay mapapanood on RPN-9 sa Hulyo 13 bilang special feature ng Sundays Big Event at magkakaroon ng replay sa Hulyo 19 sa Saturday Night Playhouse.
Tiyak na magiging makulay ang 2003 Metro Manila Film Festival dahil may magkakahiwalay na entries sina Nora Aunor, Lolita Rodriguez at Susan Roces na pare-parehong matagal nang hindi gumagawa ng pelikula. Ang huling pelikula ni Guy ay ang Sidhi na nung 1999 pa ipinalabas. Si Lolita naman ay halos dalawang dekada na ring hindi gumagawa ng pelikula magmula nang mag-migrate sa Amerika. Samantala, si Susan naman ay nung 1995 pa sa pamamagitan ng Isinakdal Ko ang Aking Ina. Bukod kina Nora, Lolita at Susan, kasama rin sina Lorna Tolentino, Maricel Soriano, Christopher de Leon, Richard Gomez, Hilda Koronel at marami pang iba sa festival. Malamang na may magkakahiwalay ding entries sina FPJ, Dolphy, Vic Sotto at iba pa.
Nakakaisang taon na ang well-followed sitcom na Daboy En Da Girl na tinatampukan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno.
Aminado ang action star na si Daboy na enjoy siya sa sitcom and hes looking forward sa kanilang weekly taping dahil para umano silang pamilya sa set at parati silang masaya.
Email: <[email protected]>
Sina Isabel at Geryk ay ikinasal nung Disyembre 10 sa Clarkfield, Pampanga when Isabel was four months heavy with their first baby.
Although nagkaroon ng matinding tampuhan ang mag-inang Mommy Guapa at Isabel, naayos din ito bago pa man nakapagsilang si Isabel nung nakaraang Mayo 29.
Napag-alaman din namin na matutuloy na ang pinaplanong teleserye ni Pops at isang musical show na pagsasamahan nila ni Ariel Rivera at ng iba pang singer-performers.
Super busy ngayon si Pops dahil sa kanyang pagiging endorser ng Shangri-La Mall at sa kanyang product line na Pipay. Before this year is over, magkakaroon na ng sariling Pipay store si Pops although magiging available pa rin ang mga Pipay products sa lahat ng mga Anonymous stores na pag-aari ng mag-asawang Rico at Tina Ocampo.
Balik kina Pops at Martin, marami pa rin ang umaasa na sanay magkabalikan na ang dating mag-asawa lalo pat hiwalay na umano si Martin sa kanyang non-showbiz girlfriend (of seven years) na si Katrina Ojeda. Buo ang paniniwala ng marami na may natitira pa ring pagmamahal para sa isat isa ang dalawa kahit meron silang ibang ka-relasyon ngayon.
Samantala, bakit kaya hindi ibalik ng GMA-7 ang Penthouse Live kung saan nagsimula sina Pops at Martin? Since pareho nang libre sina Pops at Martin sa kanilang kontrata sa ABS-CBN, walang magiging balakid kung muli silang pagsasamahin sa isang evening musical program tulad ng Penthouse Live.
Aminado ang action star na si Daboy na enjoy siya sa sitcom and hes looking forward sa kanilang weekly taping dahil para umano silang pamilya sa set at parati silang masaya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended