^

PSN Showbiz

Mahal, di kayang tanggapin kung bading si Jimboy!

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Hay, naku! Mabuti naman at bumalik na sa kanyang huwisyo si Mahal. Napag-isip-isip din niya na ang kanyang pakikipagrelasyon kay Jimboy Salazar ay isang kalokohan lang.

Sa loob ng mahabang panahon ay napakarami nang naglilitanya sa munting host ng Masayang Tanghali, Bayan na tantanan na niya ang kahibangan kay Jimboy, pero parang napailalim sa isang kapangyarihan si Mahal, kaya lahat ng pangaral sa kanya ay hindi pinakikinggan ng munting dalaga.

Nu’ng minsan ngang lumabas kami nina Aiai delas Alas ay binubusisi rin siya ng Box-office Queen kung totoo bang nagmamahalan sila at kung anong uri ng pagmamahal ang ipinakikita sa kanya ni Jimboy. Pero tawa lang nang tawa si Mahal.

’Yun ang totoo, ni hindi alam ni Mahal ang eksaktong konsepto ng pagmamahalan, ang crush para sa kanya ay relasyon na, kaya noong una pa man ay hindi na kami naniniwalang may relasyon sila ni Jimboy.

Ang totoo ay ikinundisyon lang ng ibang tao ang ideyang nagmamahalan sila ni Jimboy, plinano ang lahat, para sa bentahe ng singer at hindi ni Mahal.

May nagsabi sa amin na parang estudyanteng may tutor si Mahal noon, madalas na sinasabi sa kanya ng ilang taong may relasyon sila ni Jimboy, itinuturo rin ng mga ito kay Mahal kung ano’ng isasagot sa mga tanong, kaya ganu’n ang palagi niyang sinasabi kahit ikut-ikutin mo ang pambubusisi sa kanya.

’Yun na nga ang pinakamatinding kakapalan ng mukha na maaaring gawin ng mga taong may pailalim na motibo, lantaran na talaga ang kanilang panggagamit, matupad lang ang kanilang mga pangarap.

Sa estado ni Mahal na hindi isandaang porsiyento ang lawak at kapasidad ng pag-iisip ay nakuha pa ng mga taong ’yun ang literal na gamitin si Mahal. Yun ang ikinasasama ng loob ng mga nagmamalasakit at nagmamahal sa munting dalaga, kaya ngayong nauntog na sa katotohanan si Mahal ay maligaya ang mga ito.
* * *
Mababaw ang ibinigay na dahilan ni Mahal kung bakit bumitiw na siya sa kanilang relasyon daw ni Jimboy, hindi na raw niya kayang tanggapin ang mga kwentong nakararating sa kanya na bading ang singer.

"Kontra na lang ako nang kontra sa mga sinasabi ng tao tungkol kay Jim, nagagalit pa nga ako kapag may nagsasabing bading siya, pero ayaw naman niyang magbago.

"Sinasabi ko na nga sa kanya na huwag siyang hello nang hello sa TV kapag tinatanong siya kung bading siya, pero style raw niya ’yun, hello pa rin siya nang hello!

"Kaya ayoko na, hindi ko na kayang tanggapin ang mga naririnig ko, sorry na lang kay Jim, pero ito na ang desisyon ko," sabi pa ni Mahal nang mainterbyu namin para sa Showbiz Sabado.

Nang tanungin ng ilang kasama sa panulat si Jimboy kung totoo nga bang hiwalay na sila ni Mahal ay nagmaang-maangan ang singer, wala raw naman silang pinagkakasunduan ni Mahal na maghihiwalay na sila, wala raw katotohanan ’yun.

Hanggang sa mga huling sandali ay nagkakaila pa rin si Jimboy, dahil malaking bentahe nga naman para sa kanya ang pagkakaugnay kay Mahal, mabenta ito sa mga probinsiya dahil madalas itong nababanggit sa MTB dahil kay Mahal.

Marami ang natuwa sa naging desisyon ni Mahal dahil ngayon ay magiging maayos na ang takbo ng kanyang career, wala na siyang iniintinding Jimboy na palaging dumidikit sa kanyang katanyagan ngayon. Wala nang Jimboy na pa-plug nang pa-plug sa kanya sa MTB ng mga shows nito.

Salamat naman, dahil nauntog na rin sa wakas sa katotohanan si Mahal!

JIMBOY

JIMBOY SALAZAR

KANYA

KAY

MAHAL

NANG

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with