^

PSN Showbiz

Manager ni Juday,tumanggi sa bonus ng Star Cinema

-
May himig-tampo si Alfie Lorenzo sa Star Cinema nang magpahayag ito na mas gusto nito ang katotohanan sa kita ng pelikulang Till There Was You kaysa napabalitang pa-bonus ng movie company sa alaga nitong young superstar. "Akala ko ba hindi kumita ang pelikula ni Juday? Bakit ngayon ay bibigyan siya ng bonus na nagpapatunay na kumita ang movie. Gusto kong ipakita nila sa akin ang mga papeles na magpapakita ng totoong kinita ng movie nina Juday at Piolo."

Ang balita ay tumanggap si Aiai delas Alas ng P3M na bonus para sa Ang Tanging Ina at naibili ito ng komedyante ng isang sasakyan at house and lot. Nagtataka si Lorenzo kung magkano talaga ang bonus ni Aiai. May lumalabas na P10M at mayroon namang P2M. "Naguguluhan ako sa sitwasyon pero kung ipagpipilitan ng Star Cinema ang ibibigay na bonus ay kailangan doble ito sa natanggap ni Aiai na P3M daw. Tatanggapin namin kung P6M."

Samantala, ibinalik ngayon sa mga sinehan ang pelikulang ito ni Aiai kahit may ilang araw pang ipinapalabas ang mga pelikulang kalahok sa Manila Film Festival 2003. "Ilang fans ang nag-text sa amin na hindi kumikita ang re-run ng naturang movie at naniniwala sila na "prestige money" ang ginagawa ngayon ng Star Cinema para sabihing kumita talaga ang kinukuwestyong movie dahil ang totoo ay hindi nito nalampasan ng kinita ng Till There Was You nina Juday at Piolo.– ALEX DATU

vuukle comment

AIAI

ALFIE LORENZO

ANG TANGING INA

BAKIT

JUDAY

MANILA FILM FESTIVAL

PIOLO

STAR CINEMA

TILL THERE WAS YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with