May dahilan ba para magpakamatay si Ciara?
June 28, 2003 | 12:00am
Laman ngayon ng mga pahayagan ang pagtuturo kay Ciara Sotto tungkol sa mga kwentong lumalabas na may isang batang aktres na nagtangkang magpakamatay dahil sa problemang pag-ibig.
Ayon sa kwento ay uminom ng sleeping pills ang batang aktres, kasabay ang pagtungga pa ng Lysol, na para bang ang simula at wakas na ng buhay ni Ciara ay lalaki.
Maaaring dumadaan nga ngayon sa kaswal lang na problema ng mga kabataan si Ciara, pero mas naniniwala kaming hindi ganun kaeksaherado ang tunay na nangyari. Sa pagkakilala namin kay Ciara ay isa siyang matalinong babae na hindi manghihiram ng lakas ng loob sa gamot para lang makaalpas siya sa isang problemang kaya namang pag-usapan ng maayos.
Sa mga anak nina Senator Tito at Ate Helen Gamboa ay si Ciara ang sa palagay namiy pinakamatapang ang kalooban. Pagpasok pa lang niya sa pag-aartista at pagkanta ay nandun na agad ang mga katangiang yun kaya hindi siya ang tipong magpapakabobo nang dahil lang sa pag-ibig.
Oo ngat totoo ang kasabihang walang nanalo sa puso, gusto pa rin naming maniwala na malawak ang sakop ng katalinuhan ni Ciara, kaya walang katotohanan ang balitang nagpakamatay siya dahil nakakaramdam siya ng selos at insekuridad sa init at kasikatan ng tambalan ngayon nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Totoong may lagnat ang bayan ngayon sa tambalang ito na tampok sa Kay Tagal Kang Hinintay, marami rin ang nagsasabing dapat ay ang mga ito na lang din sana ang maging magkarelasyon sa tunay na buhay, pero kahit pa apektado na si Ciara sa mga ganung presyur ay gusto pa rin naming maniwala na hindi siya hahantong sa pagpapakamatay nang dahil lang sa ganun.
Hindi naman nagkukulang sa pagmamahal at oras sa kanya si John Lloyd, maayos naman ang kanilang relasyon kahit mas napag-uusapan ang tambalan ng dalawa.
May isang anggulo pang lumabas na ang naging dahilan daw ng pagtatangkang magpakamatay ni Ciara ay ang pagtanggi ng kanyang mga magulang kay John Lloyd.
Nilagyan ng sungay ng mga balita ang mag-asawang Senador Tito Sotto at Helen Gamboa, dahil parang lumalabas na mga matapobre sila sa pagsasabing hindi nila kauri ang pamilya ni John Lloyd.
Sa maiigsi naming pag-uusap ni Ate Helen ay wala siyang anumang nasabi sa amin o ipinaramdam man lang na minamaliit nila ang batang aktor, pinupuri pa nga ng aktres si John Lloyd dahil marespeto raw ito at nirerespeto rin ang kanilang bunso.
At para sa kaalaman ng iba, ang isang kapatid ni Ciara ay nakapangasawa rin ng hindi naman galing sa isang Buena familia, pero mula noon hanggang ngayon ay walang anumang alingasngas tungkol dun.
Mali naman ang insinwasyong pinalalabas ng iba na minamaliit ng pamilya Sotto si John Lloyd, hindi pa nangyari ang ganun kahit minsan.
Nagbibigay lang ng payo ang mag-asawa kay Ciara, para sa kabutihan naman ng dalaga ang mga pangaral-paalalang yun, kaya hindi minamasama ng batang aktres.
Mahirap lang talaga ang katayuan ngayon nina Ciara at John Lloyd dahil pareho silang artista, itinatambal pa ngayon ang batang aktor kay Bea, kaya kakambal na ng kanilang relasyon ang mga intriga.
Pero alam ni Ciara kung saan siya nakalugar sa puso ni John Lloyd, lalong sigurado ang batang aktor kung nasaan si Ciara sa puso nito, nagkakaroon man sila ng mga problema ay nai-aayos naman nila agad yun.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended