Naka-jackpot ang ABS CBN sa Meteor Garden
June 27, 2003 | 12:00am
Wala nang makakapigil sa pagsikat ng tinaguriang Soul Siren na si Nina. Katatapos lang mag-hit ng kanyang awiting "Jealous", heto at hataw agad ang kanyang follow up single na "Foolish Heart".
Kaya naman hindi nakapagtatakang siya ang mapiling "Best New Female Artist" ng isang sikat na FM station. Nominated din siya sa 3 category sa MTV Pilipinas 2003 Awards.
Dahil sa kanyang mabilis na tagumpay, na-realize ng mga nasa likod ng career ni Nina na panahon na para magkaroon siya ng solo concert, ito ngang Nina, Heaven Sent.
"Excited at masaya ako sa magandang takbo ng aking career. I feel like Im so blessed and I dont have the right to complain. Ito naman ang dapat di ba? Ang mapasaya ko ang mga tao. At i-share ko ang talent ko sa iba."
Ang Nina, Heaven Sent ay gaganapin sa Music Museum bukas 8:30 n. g. Magiging special guest sina Aiza Seguerra, Jimmy Bondoc, Akafellas at Essence Band.
Dagsa ang request sa feedback dito sa PSN sa Meteor Garden, F4 at Sex Bomb Girls. Kaya hindi na ako nagulat nang makita kong nakatutok na rin ang tatlong taong gulang kong kambal sa TV set. Pareho nilang kilala ang mga member ng F4. Yung anak kong girl ay paborito si Barbie Xu Xi Yuan na mas kilalang San Chai. At yung kanyang twin brother ay paborito si Wat Zi Lei. Sinasabayan na rin nila ang kanta ng MG kahit hindi nila alam ang ibig sabihin nito. Kaya pati tuloy ako ay na-hook na rin sa panonood ng Meteor Garden.
Akala ko nga, mga istudyante o mga kabataan lang ang nagmamadaling umuwi ng bahay para maabutan ang MG. Hindi pala, pati ang mga nag-oopisina ay nababaliw din sa panonood nito. Napangiti na lang ako nang malaman kong nagpa-record ng MG ang isa kong kaibigan na pupuntang States.
Napakaswerte ng ABS CBN dahil talagang naka-jackpot sila sa MG. Kahit ang music ng F4, grabe na ang pagkabaliw ng mga kababayan natin. Ginagawa na rin itong ring tones sa mga celfones. Kaya huwag na tayong magtaka kung ipapangalan sa mga baby na ipapanganak sa mga panahong ito ay mga Chinese name.
At kahit daw disbanded na ang F4, dahil sa demand ng manonood na makita sila ng personal, ginagawan pa rin ng paraan ng ABS CBN na ma-invite kahit isa o dalawa sa myembro ng F4. Hintayin na lang natin kung makikita nga natin sila ng personal.
Kaya naman hindi nakapagtatakang siya ang mapiling "Best New Female Artist" ng isang sikat na FM station. Nominated din siya sa 3 category sa MTV Pilipinas 2003 Awards.
Dahil sa kanyang mabilis na tagumpay, na-realize ng mga nasa likod ng career ni Nina na panahon na para magkaroon siya ng solo concert, ito ngang Nina, Heaven Sent.
"Excited at masaya ako sa magandang takbo ng aking career. I feel like Im so blessed and I dont have the right to complain. Ito naman ang dapat di ba? Ang mapasaya ko ang mga tao. At i-share ko ang talent ko sa iba."
Ang Nina, Heaven Sent ay gaganapin sa Music Museum bukas 8:30 n. g. Magiging special guest sina Aiza Seguerra, Jimmy Bondoc, Akafellas at Essence Band.
Akala ko nga, mga istudyante o mga kabataan lang ang nagmamadaling umuwi ng bahay para maabutan ang MG. Hindi pala, pati ang mga nag-oopisina ay nababaliw din sa panonood nito. Napangiti na lang ako nang malaman kong nagpa-record ng MG ang isa kong kaibigan na pupuntang States.
Napakaswerte ng ABS CBN dahil talagang naka-jackpot sila sa MG. Kahit ang music ng F4, grabe na ang pagkabaliw ng mga kababayan natin. Ginagawa na rin itong ring tones sa mga celfones. Kaya huwag na tayong magtaka kung ipapangalan sa mga baby na ipapanganak sa mga panahong ito ay mga Chinese name.
At kahit daw disbanded na ang F4, dahil sa demand ng manonood na makita sila ng personal, ginagawan pa rin ng paraan ng ABS CBN na ma-invite kahit isa o dalawa sa myembro ng F4. Hintayin na lang natin kung makikita nga natin sila ng personal.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended