Produ, ayaw bayaran ang utang ng namatay na ina
June 26, 2003 | 12:00am
Matagal na rin ang independent company na ito na gumagawa ng mga sexy at action movies. Nang mamatay ang inang prodyuser ay ang babaeng anak na ang humawak ng produksyon.
Noong buhay pa ang ina ay nagkautang ito sa isang mayamang bading na artista at lumabas sa kanilang kompanya.
Kailangan na ngayon ng mabait na bading (na parang tunay na mujer) ang pera pero ayaw bayaran ng anak ng lady produ at sinabing utang pa yun ng kanyang ina na namayapa na. Kaso sinabi ng nagpautang na aktibo naman ang kumpanya sa paggawa ng pelikula kaya marapat lang na bayaran ang kanilang pagkakautang sa kanya.
Ang bading na artista ay visible sa showbiz at may promotions agency. Mayroon itong grupong dancers na madalas maimbitahan sa isang late night show.
Nakausap namin si Nora Aunor sa launching ng Metro Manila Film Festival Philippines 03 at sinabing gagawa siya ng movie sa Angora Films para sa darating na Disyembre.
Star-studded ito dahil makakasama niya sina Snooky Serna at Aiza Seguerra. May pamagat na Bituin, Buwan at Araw, sa direksyon ni Elwood Perez.
Hindi lang sa paggawa ng pelikula magiging aktibo si Guy kundi gayundin sa concert.
Pangarap ni Jolo Revilla na magkasama sila ni Bryan sa pelikula. Magkasama na sila ngayon sa programang Click ng GMA. Sa tsiks, type ni Jolo ang mga morena at tsinita at inaming crush na crush niya si Shaina Magdayao. Lagot! Paano na si Charina Scott, ang bago niyang ka-loveteam?
Inamin naman ni Bryan na nagmana silang magkapatid sa daddy nila sa pagiging mahiligin sa babae. Minsan pa nga ay pinagtatakpan sila ni Bong sa kanilang panliligaw ni Jolo sa babae sa kanilang mommy. Maganda ang komunikasyon nilang mag-aama pero nangako naman sila sa kanilang daddy na mas prioridad nila ang kanilang career.
Sakaling magpakasal sina Kris Aquino at Mayor Joey Marquez ay walang magiging problema kay Phillip Salvador.
Nanatili ang magandang pagtitinginan nina Ipe at Kris dahil kay Joshua. Ipinarating pa ni Ipe kay Joey ang pasasalamat dahil sa maganda nitong pagtrato sa lovechild nila ni Kris.
Sobrang in-love talaga ang aktres-TV host kay Mayor kaya handa na itong maging stepmom sa sandosenang anak ng kanyang mahal. Kunsabagay bata pa si Kris at maganda naman ang PR kaya kaya nitong pakisamahan ang mga anak ni Joey.
Noong buhay pa ang ina ay nagkautang ito sa isang mayamang bading na artista at lumabas sa kanilang kompanya.
Kailangan na ngayon ng mabait na bading (na parang tunay na mujer) ang pera pero ayaw bayaran ng anak ng lady produ at sinabing utang pa yun ng kanyang ina na namayapa na. Kaso sinabi ng nagpautang na aktibo naman ang kumpanya sa paggawa ng pelikula kaya marapat lang na bayaran ang kanilang pagkakautang sa kanya.
Ang bading na artista ay visible sa showbiz at may promotions agency. Mayroon itong grupong dancers na madalas maimbitahan sa isang late night show.
Star-studded ito dahil makakasama niya sina Snooky Serna at Aiza Seguerra. May pamagat na Bituin, Buwan at Araw, sa direksyon ni Elwood Perez.
Hindi lang sa paggawa ng pelikula magiging aktibo si Guy kundi gayundin sa concert.
Inamin naman ni Bryan na nagmana silang magkapatid sa daddy nila sa pagiging mahiligin sa babae. Minsan pa nga ay pinagtatakpan sila ni Bong sa kanilang panliligaw ni Jolo sa babae sa kanilang mommy. Maganda ang komunikasyon nilang mag-aama pero nangako naman sila sa kanilang daddy na mas prioridad nila ang kanilang career.
Nanatili ang magandang pagtitinginan nina Ipe at Kris dahil kay Joshua. Ipinarating pa ni Ipe kay Joey ang pasasalamat dahil sa maganda nitong pagtrato sa lovechild nila ni Kris.
Sobrang in-love talaga ang aktres-TV host kay Mayor kaya handa na itong maging stepmom sa sandosenang anak ng kanyang mahal. Kunsabagay bata pa si Kris at maganda naman ang PR kaya kaya nitong pakisamahan ang mga anak ni Joey.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended