Pinoy anime inilunsad
June 23, 2003 | 12:00am
Sa wakas, ang mga kamay na nagbigay buhay sa mga world-class animation tulad ni Disney at WB ay mabibigyan na rin ng karampatang atensyon sa local scene: ilulunsad na ang kauna-unahang 100% gawang Pinoy na top-notch anime (pwedeng makipagsabayan sa international anime) pagsapit ng Hulyo sa ABC 5.
Isang maipagmamalaki at di maikakailang malayong hakbang ang Tutubi Patrol kumpara sa unang Pinoy anime (Panday) ilang taon na ang nakalipas. Pinagsama nito ang 3-d at 2-d animation para makapagbigay ng top rate entertainment para sa mga tech-savvy Pinoy kids. Higit pa riyan, lahat ng designs ay iginuhit para sa sarili nating bernakulas na siya namang nagbibigay ng tatak na Pinoy na Pinoy.
Hinango ang debuting cartoon series sa full-color childrens books Tutubi Patrol ng OMF Literature na limang taon ng tinatangkilik ng mga bata at maging ng mga magulang. Ang mga makabuluhang istorya na mula sa mga multi-awarded at best-selling authors (kabilang si singer Timmy Cruz) ay nagtuturo ng kagandahang asal at Filipino values na tiyak na ikatutuwa ng mga magulang.
Pinirmahan na ng creators ng historical undertaking na ito sina (left-right) OMF Literature Inc. CEO Ramon A. Rocha at Gecko Production Pres. Grace A. Dimaranan, ang broadcast agreement kasama sina ABC 5 EVP Robert C. Limgenco and network Pres. Edgardo Roces.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended