Teresa Loyzaga, dakilang extra sa Matrix Revolution
June 21, 2003 | 12:00am
Masayang ikinwento sa amin ni Teresa Loyzaga ang pagkasali nito sa malaking pelikula ng Hollywood, ang Matrix Reloaded na kamakailan lamang ay matagumpay na naipalabas dito sa bansa. Mayroon pa itong part three na ipapalabas sa huling buwan ng taon at kasali itong nakakatandang kapatid ni Bing Loyzaga.
"Talagang extra lang ako at malamang di ako nakilala dahil long shot iyon kung saan isa ako sa security guards ng coliseum." Hindi nangarap ang nagbabakasyong aktres na mapasama siya sa lead cast dahil mayroon nang bida ang pelikula at hindi daw madali sa mga artistang katulad niya na agad maka-penetrate sa Hollywood movies.
"Iba talaga ang talento ng Pinoy dahil kahit extra ako ay nakatanggap pa rin ako ng papuri mula sa mga crew production at ayaw nilang maniwalang Pinay ako."
Umalis si Teresa noong taong 2000 at bumalik ito ngayon dahil miss na nito ang kanyang mga kapatid lalo si Bing. Dalawang linggo siyang nag-enjoy sa Boracay at sa ngayon ay nakaalis na ito para makasama ang kanyang dalawang anak na iniwan niya sa Sidney. Nakapagtrabaho siya sa banko at nakagawa rin siya ng ilang komersyal doon at nitong huli ay naghihintay siya ng tawag mula sa isang airline company dahil nakapasa ito sa pagsulit ng pagka-stewardees.
Ayaw nitong pag-usapan si Cesar Montano na naging ama ng isa nitong anak dahil nakiusap itong siya na lang ang pag-usapan kasama ang kanyang mga anak at ang trabaho nito. "Hindi kami nagkita ni Cesar noong nag-shot sila ng Great Raid sa Australia. Nasa Sidney ako, sila nasa Queensland." (Ulat ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended