'Birhen' humakot ng awards sa MFF
June 21, 2003 | 12:00am
Hinakot ng Ang Huling Birhen sa Lupa ang major awards sa ginanap na Manila Film Festival Awards night noong Huwebes ng gabi sa Aliw Theater.
Si Ara Mina ang nanalong best actress, si Jay Manalo ang best actor at si Elizabeth Oropesa ang best supporting actress para sa nasabing pelikula na nanalo ring best picture. Si Jose Mari Avellana naman ang best supporting actor para sa Operation Balikatan ng Premiere Productions.
Very emotional si Ara sa kanyang acceptance speech dahil talaga raw pinagdasal niya ang award na yun sabay iyak. Nang tawagin ang name ni Ara, hindi na niya napigil ang pag-iyak. Lahat ng taong nakatulong sa kanya ay pinasalamatan ni Ara. Ito ang second best actress trophy ni Ara. "Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakakauwi sa bahay natin mommy," sabi niya pa sa speech at birthday wish niya rin daw ang award na yun. Nagsalita kasi ang mommy ni Ara na ang pakiramdam niya, nalilimutan na silang pamilya ng actress.
Second trophy na rin ito ni Jay Manalo.
Hindi naman nakahabol si Elizabeth Oropesa para personal na tanggapin ang kanyang trophy.
Si Joel Lamangan ang best director na isa rin sa mga producer ng Ang Huling Birhen sa Lupa.
Inaasahang makakahabol sa box-office ang pelikula ngayong sila ang big winner sa katatapos na awards night.
Mabilis ang pacing ng awards night at walang masyadong commercial kaya madaling natapos sa TV.
Star studded din ang nasabing affair at halos lahat ng artista ng anim na pelikulang kasama sa MFF ay present.
Maganda rin ang mga production number at dinagsa ng fans ang Aliw Theater.
Naging host sina Edu Manzano and Judy Ann Santos. (Ulat ni Salve V. Asis)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended