^

PSN Showbiz

Regine, gustong makapareha ang lahat ng aktor

RATED A - Aster Amoyo -
Matapos mapanood ang sexy star na si Maui Taylor sa Ang Huling Birhen sa Lupa na tinampukan nila nina Ara Mina at Jay Manalo, sasabak naman sa aksyon ang sexy star sa pelikulang Masamang Ugat na pinagbibidahan nina Ace Vergel, Eddie Garcia, Victor Neri at Mike Arroyo mula sa pamamahala ni Willy Milan sa ilalim ng Viva Films.

Sa mga sexy stars na nakakontrata ngayon sa Viva, mukhang si Maui ang pinaka-busy. Bukod sa sunud-sunod nitong pelikula, regular rin siyang napapanood sa weekly sitcom at bagong reformat na Kool Ka Lang, Oo Naman sa GMA.

Habang patuloy na palabas ang Ang Huling Birhen sa Lupa at ipapalabas naman sa July 16 ang Masamang Ugat, sisimulan naman ni Maui sa Viva rin ang Hot Balls na pagsasamahan nila nina Andrea del Rosario, Katya Santos, Joey de Leon, Janno Gibbs at Anjo Yllana.
* * *
Habang pinagtatalunan ng iba kung sino ang dapat na tanghaling box office queen, marami ang nagsasabi na si Regine Velasquez ang karapat-dapat dahil sa pagiging consistent box office hit ng kanyang mga ginawang pelikula tulad ng Wanted Perfect Mother with Christopher de Leon, Dahil May Isang Ikaw, Kailangan Ko’y Ikaw, Pangako, Ikaw Lang, Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon at itong kalahok ngayon sa ongoing Manila Film Festival na Pangarap Ko Ang Ibigin Ka na siyang nangunguna sa anim na opisyal na kalahok. At dahil sa pagiging consistent box office star ni Regine ay pinag-aagawan siya ng mga major actors para makapareha. Bukod sa pelikula, pawang sold-out at SRO rin ang mga concerts ni Regine hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Next movie na gagawin ni Regine ay ang balik-tambalan nila ni Aga Muhlach at may plano ring pagsamahin sila ni Ogie Alcacid.
* * *
Nagiging trendsetter ngayon ang ABS-CBN sa pagbi-build-up ng mga love-teams. Marami-rami na rin silang napaputok na loveteam sa telebisyon na pagkatapos sa pelikula naman nila isinasabak. Sa telebisyon nagsimula ang loveteam nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman. Sa telebisyon din nagsimula sina Claudine Barretto at ang yumaong si Rico Yan, Jolina Magdangal at Marvin Agustin, Jericho Rosales at Kristine Hermosa, Heart Evangelista at John Prats, and lately, ang team-up nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Ngayon ay bini-build-up din ang teamup nina Marvin Agustin at Kaye Abad ganundin ang tambalan nina Jodie Sta. Maria at Patrick Garcia at maraming iba pa.
* * *
Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng pelikula ang action star na si Ace Vergel kaya tiyak na matutuwa ang kanyang mga tagahanga dahil muli na naman nila matutunghayan ang award-winning actor sa Masamang Ugat.
* * *
Magkaklase sa high school ang respective moms nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual kaya magkaibigan hanggang ngayon ang mga ito.

Kung ang Mommy Amy ni Piolo ang masusunod, mas gusto nito na si Juday ang makatuluyan ng kanyang anak dahil bukod sa kaibigan niya ang ina ni Juday, kilala niya ang pagiging mabait na anak ng young superstar. Pero siyempre, hindi puwedeng saklawan ng ina ni Piolo ang damdamin ng kanyang anak. Kung sino ang mapupusuan nito ay kailangan din niyang tanggapin. Ang importante, hanggang ngayon ay ispesyal na matatawag ang friendship nina Juday at Piolo kahit dumaan na sa maraming intriga ang kanilang pagkakaibigan.

ACE VERGEL

ANG HULING BIRHEN

CENTER

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MARVIN AGUSTIN

MASAMANG UGAT

NINA

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with