Para sa anak ni Ronnie Quizon no talk sa separation nila ni Eula
June 21, 2003 | 12:00am
Sa pinaka-edukadong paraan na nalalaman niya ay sinagot ni Ronnie Quizon ang mga tanong namin sa kanya tungkol sa paghihiwalay nila ni Eula Valdez.
Lagi naming inihihiwalay ang edukadong tao sa basta nakapag-aral lang, dahil ang edukadong tao ay nagpapairal ng kahalagahan ng kanyang pinag-aralan at napag-aralan sa buhay, alam niya kung kailan siya magsisimula at magtatapos.
Napakaraming gustong sabihin ni Ronnie sa aming panayam sa kanya sa Showbiz Sabado, pero tama ang kanyang sinabi, kung sa kanyang pagsasalita-pagtatanggol sa kanyang sarili ay may inosente namang taong masasaktan at malalagay sa alanganin ay hindi bale nang husgahan na lang siya ng ibang tao.
Si Miguel, ang walong taong-gulang nilang anak ni Eula, ang palaging inaalala ni Ronnie, marami siyang balang pwedeng ipambaril pabalik sa mga akusasyong pinalulutang ngayon ng aktres, pero kung sa proseso ng paglalantad niya sa katotohanan ay masasaktan si Miguel ay hindi bale na lang.
Okey nang tanggapin niya na lang ang mga sinasabi ni Eula kahit alam naman nilang pareho ang katotohanan kung bakit nauwi sa wala ang kanilang relasyon kung si Miguel lang ang magdadala ng sakit.
Kung naging maswerte si Ronnie sa pagkakaroon ng karelasyong tulad ni Eula na kilalang magaling na aktres ay mas maswerte si Eula sa pagkakaroon ng isang Ronnie na marunong rumespeto at magtimpi.
Maraming kwento tungkol sa kanilang relasyon ang pwedeng ilantad ni Ronnie dahil kumpleto naman siya ng ebidensiya, pero ang edukasyon at respeto ng aktor-musikero sa ina ng kanyang anak ay umaapaw, at yun ang pumipigil kay Ronnie para tapatan ang mga pinagsasasabi ni Eula.
Noong nagsasama pa sila ay mas mahaba ang panahong ipinagsasama nina Ronnie at Miguel, masyadong abala noon sa pagtatrabaho si Eula, at hanggang ngayoy mas mahaba pa rin ang ipinagsasama ng mag-ama.
Kapag nag-i-edit nga ng mga materyales para sa show ng kanyang nakababatang kapatid na si Eric si Ronnie ay kasa-kasama niya si Miguel, habang nagtatrabaho siya ay naglalaro lang ang bata sa opisina ng Kaizz Productions.
Ganun katindi ang bonding nina Ronnie at Miguel, ang itinuturing na kayamanan ni Ronnie, dahil ang pakiramdam daw niya ngayon ay siya ang pinakamahal na tao ni Miguel sa buong mundo.
Napakasarap pakinggan ng mga salitang binitiwan ni Ronnie tungkol sa kanyang pamilya, ibang klase talaga ang pamilya Quizon kung magtulungan at magdamayan, para silang kuyog na kapag sinaktan mo ang isa sa kanila ay parang sinaktan mo na rin silang lahat.
Hindi namin napigilan ang mapaluha nang ikwento ni Ronnie ang pagtawag niya kay Mommy Baby Smith sa California nung maghiwalay na sila ni Eula, wala siyang planong sabihin noon sa kanyang mommy ang problema, pero iba nga ang pusong-ina.
"Naramdaman agad ng mommy ko na problemado ako, ganun siya sa aming magkakapatid, sa boses pa lang namin, alam na niya kapag may problema kami.
"Nung tanungin niya ako kung anong nangyayari, ang natatandaan kong sinabi ko sa kanya, Mommy, kailangan ko ng yakap ng isang nanay ngayon.
"Humaba ang pag-uusap namin ng mommy ko, siya mismo ang nag-extend nang nag-extend sa pag-uusap namin," lumuluhang kwento pa ni Ronnie.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended