5566, isa pang leading boyband mula sa Taiwan
June 21, 2003 | 12:00am
Sa lakas ng impact na ginawa ng F4 na bida sa seryeng Meteor Garden, obvious na may puwang pa sa puso ng mga kapwa nila Taiwanese at maging ng mga karatig bansa nito sa Asya para sa isa pang boyband na binubuo rin ng mga kabataan na dahilan sa kanilang kasikatan ay binigyan din ng sarili nilang serye sa telebisyon na ang theme song ay kuha sa kanilang first album.
Ito ang 5566 na binubuo ng limang kabataang lalaki, sina Tony, Sam, Rio, Zax at Jason na mabilis ang pagsikat ng kanilang serye na My MVP Valentine at ng kanilang album na "1st Album" na ipinamamahagi locally ng Universal Records. Ang unang single nila from the album na inilabas ay ang theme song ng kanilang TV show, ang "Im Sad", isang magandang ballad na mabentang-mabenta sa mga sentimental na mga Asyano.
Layunin lang ng grupo na sumikat sa kanilang bansang Taiwan at mai-share sa kanilang mga kababayan ang kanilang mga talino sa pagkanta, pagsayaw, hosting, acting, playing basketball at modeling, kaya nga tinawag nila ang kanilang grupo na 5566, limang myembro na may anim na ibat ibang talino, pero, naging malaganap din ang kanilang pangalan sa Hongkong, Malaysia, Indonesia at Singapore. At di tulad ng F4 na matagal nang nagkawatak, buo at patuloy ang pamamayagpag ng 5566 na tinaguriang NSYNC of Asia.
At dahilan sa kanilang overwhelming success, ang ilan sa grupo ay nag-branch out sa ibang mga palabas. Sina Zax at Jason ay hosts ng TV program na Showbiz at si Sam ay may sariling palabas din sa TV, ang Strange Things In Taiwan.
Sana naman sa tulong ni Gen. Romeo Maganto na hiningian ng tulong nina Niño Javier ng Aquarius Records at Andrew Gutierrez ng DWAN Radio, ay mabigyan hustisya agad ang pagpaslang sa musical director na si Danny Holmsen.
May bagong endorsement si Jericho Rosales, ang 555 Tuna. Sa TV commercial nito na nagsisimula nang mapanood, nabigyan ng pagkakataon si Jericho na kantahin ang Gen-X version ng isang classic song ng Maria Cafra, ang "Problema Na Naman".
Ang 555 Tuna ang palaging dala ni Jericho sa La Union kapag nagpapahinga siya at nagbabakasyon at nag-i-indulge sa kanyang paboritong sport, ang surfing.
Nakakainggit dahil may pagkakataon na ang tatlong kabataang sina Mariel Agos, 19, Sylvia Kristel Bullo, 14 at John Michael Marcia na manalo ng P1M at isang bahay at lupa na siyang pangunahing premyo sa sinalihan nilang Search For a Star sa GMA7 na ang host ay si Regine Velasquez.
Nakasalalay ang tagumpay nila sa mga judges na sina Rico J. Puno, Nina at Arsi Baltazar.
Ang Search -For a Star ay isang produksyon ng Viva Television at mapapanood tuwing Sabado, 6 n.g.
Kung fan kayo ng grupong Salbakuta, maririnig nyot mapapanood sila sa kanilang mall tour para i-promote ang kanilang album na "Meron Ka Bang Ganitong Life?" na kung saan nakapaloob ang mga hit singles nilang "Long Distance" at "Inday Inday". Nasa album din si Ogie Alcasid na nagra-rap ng "Ubos Na Ang Pasensya."
Nasa SM City Davao sila bukas, Hunyo 22.
Ang Salbakuta ay discovery ni Andrew E at binubuo nina Rommel "Ben Deatha" Tejada, Edwin "Madkillah" Encarnacion at Charlito "Charlie Mac" Dellosa.
May ikalawang extension ang matagumpay na konsyertong Martin Nievera at Regine Velasquez: World Concert Tour 2003. Isang linggo bago ang repeat performance, napagpasyahan na ng Maxi Media na maglagay ng isa pang extension show sa Hulyo 5 para ma-accommodate ang maraming di pa nakapanood nito dahilan sa banta ng SARS at sa mga dumating na mga bagyo.
Makakabili na ng mga tiket sa halagang P175, P400, P800, P1200 at P1800 sa SM Ticketnet (9115555) at sa Maxi Media (5518999/5517777).
Ito ang 5566 na binubuo ng limang kabataang lalaki, sina Tony, Sam, Rio, Zax at Jason na mabilis ang pagsikat ng kanilang serye na My MVP Valentine at ng kanilang album na "1st Album" na ipinamamahagi locally ng Universal Records. Ang unang single nila from the album na inilabas ay ang theme song ng kanilang TV show, ang "Im Sad", isang magandang ballad na mabentang-mabenta sa mga sentimental na mga Asyano.
Layunin lang ng grupo na sumikat sa kanilang bansang Taiwan at mai-share sa kanilang mga kababayan ang kanilang mga talino sa pagkanta, pagsayaw, hosting, acting, playing basketball at modeling, kaya nga tinawag nila ang kanilang grupo na 5566, limang myembro na may anim na ibat ibang talino, pero, naging malaganap din ang kanilang pangalan sa Hongkong, Malaysia, Indonesia at Singapore. At di tulad ng F4 na matagal nang nagkawatak, buo at patuloy ang pamamayagpag ng 5566 na tinaguriang NSYNC of Asia.
At dahilan sa kanilang overwhelming success, ang ilan sa grupo ay nag-branch out sa ibang mga palabas. Sina Zax at Jason ay hosts ng TV program na Showbiz at si Sam ay may sariling palabas din sa TV, ang Strange Things In Taiwan.
Ang 555 Tuna ang palaging dala ni Jericho sa La Union kapag nagpapahinga siya at nagbabakasyon at nag-i-indulge sa kanyang paboritong sport, ang surfing.
Nakasalalay ang tagumpay nila sa mga judges na sina Rico J. Puno, Nina at Arsi Baltazar.
Ang Search -For a Star ay isang produksyon ng Viva Television at mapapanood tuwing Sabado, 6 n.g.
Nasa SM City Davao sila bukas, Hunyo 22.
Ang Salbakuta ay discovery ni Andrew E at binubuo nina Rommel "Ben Deatha" Tejada, Edwin "Madkillah" Encarnacion at Charlito "Charlie Mac" Dellosa.
Makakabili na ng mga tiket sa halagang P175, P400, P800, P1200 at P1800 sa SM Ticketnet (9115555) at sa Maxi Media (5518999/5517777).
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
12 hours ago
12 hours ago
Recommended