Gabi ng Parangal ng MFF
June 19, 2003 | 12:00am
Tunay na magiging mabituin ang Star City dahil sa kumpirmadong pagdalo ng mga sikat na artista na magsasama-sama para sa Gabi ng Parangal ng Manila Film Festival (MFF). Gaganapin mamayang gabi, ika-19 ng Hunyo, 2003, sa Aliw Theater ng nasabing complex, ang awards night ay tiyak na magniningning dahil na rin sa matinding paghahanda ng komite na pinamumunuan ni Mayor Lito Atienza.
Kasama sina Edu Manzano at Judy Ann Santos bilang hosts, ang awards night ay magsisimula sa pamamagitan ng pambungad na bilang nina Ara Mina, Aubrey Miles at grupong 1728. Susundan ito ng "Raon Medley" nina Keempee de Leon, Ciara Sotto, JM Rodriguez at Kyla; isang natatanging pagtatanghal na nagtatampok kina Jenine Desiderio, Isay Alvarez, Robert Sena at Richard Merck; song-and-dance numbers ng mga seksing sina Patricia Javier, Regine Tolentino at Viva Hotbabes at ang grand finale ni Gary Valenciano.
Dagdag na prestige sa Parangal ay ang special particiapation nina Fernando Poe Jr., Dolphy, Cesar Montano, Aga Muhlach, Maricel Soriano, Jolina Magdangal, Diether Ocampo at Aiko Melendez. Magiging presentors naman sina Robin Padilla, Snooky Serna, Bernadette Allyson, John Lloyd Cruz, Anne Curtis, Boots Anson Roa, Dingdong Dantes, Jao Mapa, Onemig Bondoc, Monsour del Rosario, Danica Sotto, Baron Geisler, Arnel Ignacio, Brad Turvey, Sarah Christopher, Gary Estrada, Eddie Garcia at marami pang iba.
Maglalaban para sa ibat ibang kategorya ng MFF awards ay ang Betud ng Putik, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Sanib, Ang Huling Birhen sa Lupa, Operation Balikatan at Alab ng Lahi. Ang Gabi ng Parnagal ay ipapalabas ng live sa telebisyon, 9:00 ng gabi, sa RPN 9 at ipoprodyus ni Wilson Teing para sa Solar Entertainment.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended