^

PSN Showbiz

Bankrupt na ang aktor!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May naipundar ang isang action star na mga negosyo gaya ng courier business at mga bus pero biglang nawala ito sa sirkulasyon. Naglie-low dahil sa problemang kinakaharap ng pamilya.

Sayang, dahil mabenta ang pelikula ng aktor lalo na sa mga probinsya. At nadamay lang siya sa problema ng mga magulang niya.
Ara, Swerte Sa Filmfest
Sa mga nakapanood ng acting ni Ara Mina sa Ang Huling Birhen sa Lupa ay pinalakpakan siya. Maraming nagsasabi na malakas ang laban niya sa best actress sa said movie. Malalaman ito ngayong gabi. Kapag nanalo siya ay talagang pang-festival nga ang kanyang beauty.

Balita rin na si Ara mismo ang umatras sa Mano Po 2 na ilalahok ng Regal sa darating na Metro Manila Film Festival. Katwiran niya ay hindi na niya malalampasan ang ipinakitang acting last year kung saan nanalo siya ng best actress.
Mabenta Si Patricia
Isang balikbayan ang gustong kunin si Patricia Javier for a show sa Washington DC as requested by the Filipino community doon. Siya rin ang gustong maging concert artist ng Philippine Military Academy (Class 77) sa darating na December.

Hindi lang sa concert mabenta si Patricia kundi gayundin sa pelikula. Siya ang personal choice ni Mayor Rey Malonzo para makapareha sa Operation Balikatan. Balitang bibigyan siya ulit ng Viva Films ng solo movie.
Aiai, Milyon Ang Bonus!
Sapul nang maging superhit sa takilya ang Ang Tanging Ina ni Aiai delas Alas ay kaliwa’t kanan ngayon ang movie offers niya. Maraming plano sa kanya ang Star Cinema gaya ng pagtatambal nila ni Dolphy na matagal na ring pangarap ng komedyante. Gusto rin niyang makasama si Vilma Santos sa pelikula balang araw.

Kahit si Gabby Lopez ay talagang natuwa sa box-office success ng pelikula ni Aiai at pinamimili raw ito kung gusto niyang magkaroon ng soap opera o sitcom sa TV.

Balita kong milyones ang bonus na ibinigay kay Aiai.
Revilla Siblings, Magandang Teamwork
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Gigi Bautista na maybahay ni Marlon. Napag-usapan namin ang Imus Production na isa nang matagumpay na outfit.

"Maganda kasi ang teamwork ng magkakapatid at may kanya-kanya silang forte kaya mahusay ang takbo ng kumpanya. Artista nila si Bong Revilla, magaling ang PR ni Andeng na siyang humahawak sa promotion ng pelikula at pagdating sa booking ay maaasahan si Rowena. Masipag din si Marlon at lubhang maasikaso sa kanilang produksyon kaya tulung-tulong silang lahat para maging maayos ang takbo ng Imus," aniya.

Laging nagmi-meeting ang magkakapatid para maplantsa kaagad ang anumang problema kahit maliit lang ito.

Isa sa magandang halimbawa para mapalakas pang lalo ang Bertud ng Putik ay nang mag-decide ang magkakapatid na mag-theater tour si Bong na ginawa niya last Sunday kaya lalong dumami ang manonood nito kung saan ang laki ng itinaas ng gross income sa araw na yon.

Bago rin sila kumuha ng artista ay pinag-iisipan nilang magkakapatid ang bankability nito gaya nang kunin nila si Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb Girls para mapasama sa pelikula.

AIAI

ANG HULING BIRHEN

ANG TANGING INA

ARA MINA

BONG REVILLA

CENTER

GABBY LOPEZ

GIGI BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with