Saan napunta ang gown na P35 thou ang halaga?
June 18, 2003 | 12:00am
Habang abala sa promo tour ng kanyang self-titled album under Dyna Music si Daisy Reyes, hindi maiwasang masangkot siya sa intriga. Ayon sa designer na si Arielle Agasang, nawala ang isang gown na kasama sa 13 piraso ng damit na hiniram nina Daisy at ng manager niyang si Ovette Ricalde.
Ginamit diumano ang mga ito sa Laguna show at sa pictorial ni Daisy para sa FHM.
Ayon kay Arielle nang makausap namin the other day, nagpunta siya ng Bohol kaya ang dalawang tauhan niya ang pinasama kina Daisy. Nang makabalik siya ng Maynila, doon lang niya nalaman na nawala ang isang gown worth P35 thousand.
"When I called Ovette, sinabi niyang nawala nga ang isang gown at aayusin nila agad yun. Pero isang buwan na ang nakalipas, ni tawag sa phone hindi nila ginawa. Ayaw na nila akong kausapin, kahit si Daisy hindi ko rin makausap, o sanay tumawag man lang sa akin para malinawan ang pangyayari," ani Arielle.
Ilang ulit ko nang tinatawagan si Daisy sa lahat ng cellphone niya at maging sa kanyang landline, but to no avail. It seems, ayaw na niyang palakihin pa ang issue. At one time, nakausap ko ang mother ni Daisy.
"Hindi naman si Daisy ang nagsuot ng nawawalang gown na yun. Si Ovette ang nakakaalam nun, kaya siya dapat ang magpaliwanag kung ano ang totoong nangyari. Nang makausap ko si Ovette, sinabi niyang siya na raw ang bahalang makipag-usap kay Arielle," lahad naman ng butihing ina ni Daisy.
Marami na kaming taong nakausap na nakakakilala kay Daisy. Iisa ang sinasabi nila tungkol sa pangyayari. Hindi sila naniniwalang tatakbuhan ng Bb. Pilipinas-World 1996 ang gown kahit sabihing P35 thousand ang halaga nun. Kami man, sa pagkakakilala namin kay Daisy, we strongly believe na kaya niyang i-settle ang amount kung siya talaga dapat ang managot sa pagkalawa nun. (Ulat ni Ben Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended