^

PSN Showbiz

Jacky Woo, talunin kaya si Binoe bilang best actor?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Maraming pinabilib si Jacky Woo sa kanyang papel na ginampanan sa Alab ng Lahi. Katunayan ay may nagsasabing pwede rin siyang manalo sa Best Actor o Best Supporting Actor category. Tuwang-tuwa ito nang malamang kasali sa Fukouka Film Festival ang kanilang pelikula.

Kasalukuyang nasa Japan ang international actor at babalik uli ito ng bansa para dumalo sa MFF Awards Night. Kundi man siya manalo ay masaya na rin ito kahit sino ang makatanggap ng award gaya ni Robin Padilla na strong contender para sa Best Actor at si Direk Bebong Osorio (Best Director) at para sa Best Picture naman ang Alab ng Lahi.
‘Alab Ng Lahi’, Sali Sa Fukouka Film Festival
Isang karangalan sa ating movie industry ang mapabilang at makasali sa darating na Fukouka Film Festival ang pelikulang Alab ng Lahi na tinatampukan nina Robin Padilla at Jacky Woo. Ito ang entry ng RCP Films International sa Manila Film Festival na nabigyan ng Cinema Evaluation Board ng B rating. Dahill sa napapanahon ang pelikula ay nabigyan din ito ng higit na pagpapahalaga ng Department of Education kung saan ini-endorso nila ang magandang pelikula sa mga mag-aaral mula sa grade school hanggang sa kolehiyo.

Ang Fukuoka International Film Festival ay idaraos sa Japan ngayong Setyembre. Malamang na dumalo doon sina Robin at Jacky.
Mayor Malonzo, Ayaw Muna Ng Historical Movies
Parang ayaw nang ituloy ni Mayor Rey Malonzo ang paggawa ng mga historical movies gaya ng The Andres Bonifacio Story at sa halip ay gusto nitong mag-concentrate sa mga action projects. Malamang gumawa ito ng pelikula na ala-Jey Lee ang dating kung saan muli niyang maipapakita ang kahusayan sa martial arts.
Paglulunsad Ng MMFF 2003
Magkakaroon ng formal launching ang Metro Manila Film Festival sa darating na Hunyo 21, 2003 sa Tecktite Bldg. Auditorium sa Pasig City. Magiging abala ang executive committee sa pangunguna nina MMDA Chairman Bayani Fernando as over-all Chairman Mayor Rey Malonzo Vice-over-all Chairman at GM Robert Nacienceno.

Inaasahang magiging makulay ang pagdiriwang sa pagdalo ng mg panauhing pandangal na magmumula sa showbiz at mga Metro Manila Mayors.

Ang Metro Manila Film Festival ay makasaysayang pagdiriwang ng taunang Pista ng Pelikulang Pilipino. Ayon kay Mayor Malonzo, bagama’t nagkakaroon ng kontrobersya sa bawat taon na ginaganap ang MMFF ito’y hindi sinasadya ng sinuman, bahagi lamang ito ng demokrasyang ating pinaiiral at dala marahil na rin ng ating pagka-sensitibo bilang mga alagad ng sining.

ALAB

BEST ACTOR

FUKOUKA FILM FESTIVAL

JACKY WOO

LAHI

MAYOR MALONZO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with