^

PSN Showbiz

Ibang dumiskarte si Tracy

-
Matindi talaga ang sex appeal ni Jon Hall. Pati si Tracy Torres ay nagwater-water sa model-actor na ito.

"Gusto ko ang ganyang tipo. Amoy pawis ng lalaki. Feel ko ang kulay niya. Turned off ako sa mas tisay pa sa akin," tumatawang bungad ni Tracy.

Alam n’yo rin ba na pinanood din ni Tracy ang pelikulang Xerex dahil kay Jon Hall. "Ang suwerte naman ni Aubrey (Miles). Sana maka-partner ko rin siya," pag-aasam pa ni TT.

Request pa ni Tracy sa mga kaibigan niya sa press, bigyan daw siya ng stills ni Jon Hall pag may love scenes ito na naka-nude talaga.

"Ang lakas talaga ng dating niya sa akin. Nasa katangian ni Jon Hall ang lalaking iibigin mo talaga," deklara pa niya.

Tungkol pa rin kay Tracy, alam n’yo ba na pinapanood niya ang pelikula ng kapwa niya sexy stars. Napanood niya ang Xerex, Lupe, Sex Drive, Sukdulan, Nympha atbp.

"Hindi ko iniisnab ang mga pelikula nila. Gusto ko ring makita ang mga akting nila. Baka may mapulot din ako sa mga ginagawa nila.

"Gusto ko ring obserbahan kung gaano rin sila kagaling humalinghing. Ha!ha!ha!," say pa niya.

Pagkatapos mag-hit ang kanyang launching movie na Punla, sisimulan na ang next movie niya sa Leo Films na ang tentative title ay Brown Kamasutra.

Kahit iniintriga sina Tracy at Rose Valencia ay hindi sila maapektuhan. Ginagaya raw ni Rose ang mga gimmick niya dahil sa kontrobersyal na pictorial ng huli na kung saan ay mistulang modelo ito ng FAMAS story.

"Kanya-kanya namang diskarte ‘yan. Masaya ako kung ano ang ginagawa nila dahil I’m sure masaya rin si Rose sa mga ginagawa ko," reaksyon ni TT na hawak pa rin ang titulong ‘Pictorial Queen’.

"At saka hindi naman kalaban si Rose kundi kakampi. Ang manager niya ay publicist ko (Roldan Castro). Sa totoo lang, sumusuporta kami ni Tito Ed (Alcantara, manager ni TT) sa mga ginagawa ni Rose. Kumbaga, parang isang pamilya lang kami," aniya pa.

BROWN KAMASUTRA

JON HALL

LEO FILMS

NIYA

PICTORIAL QUEEN

ROLDAN CASTRO

ROSE VALENCIA

TRACY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with