^

PSN Showbiz

Aiai, tinalo sina Vi, Juday sa takilya

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan ko ang isang pinuno ng Playdate & Sales Monitoring Committee ng isang Film Festival at nabanggit nito na Ang Tanging Ina ni Aiai de las Alas ang nakapagpatala ng pinakamalaking box office result sa takilya sa local film history. Tinalo pa raw nito ang Anak nina Vilma Santos at Claudine Barretto na may pinakamalaking kita noon bago ipalabas ang movie ni Aiai.

Ayon sa aking kausap, malaking bentahe talaga ang ganda ng istorya, magaling na script at mahusay na direktor para maging blockbuster ang isang pelikula.

Ang Anak at Ang Tanging Ina ay kapwa prodyus ng Star Cinema. Idinagdag pa rin ng aking kausap na mas nahigitan naman ng Anak ang mga pelikula nina Sharon Cuneta o ni Judy Ann Santos.
Pulong Ng Mga Prodyuser
Nagkaroon ng pulong noong Sabado ang mga prodyuser na nagsumite ng letter of intent para maging bahagi ng Metro Manila Film Festival Philippines sa taong ito. Naroon din ang mga myembro ng executive committee kung saan tinalakay ang mga rules and regulations ng MMFFP at ang criteria para sa pagpili ng sampung official film entries.

Ang kabuuang bilang ng mga production outfits na nagsumite ng letters of intent ay 33. Ilan sa mga prodyuser na namataan namin sa pulong ay sina Orly Ilacad ng OctoArts, Dondon Monteverde ng Regal Entertainment, Roselle Monteverde ng MAQ Productions, Gil Portes at Teamwork Productions, Mariz Ricketts ng Rocketts Productions at kinatawan ng iba’t ibang mga movie companies.

Ang executives committee ng MMFFP sa taong ito ay pinangungunahan nina MMDA Chairman Bayani Fernando bilang over-all chairman, Mayor Rey Malonzo, Vice over-all chairman at GM Robert Nacienceno.
Ratsada Ang Freshmen Band
At isa sa mga bandang gumagawa ng malaking pangalan sa daigdig ng musika ay ang Freshmen Band. Mula sa matagumpay na revival ng awitin na pinamagatang "I’ve Fallen For You" na revival song ni Jamie Rivera ay isa na namang hit song ang namamayagpag ngayon sa ere, ang "Ikaw Pa Rin" na revival song naman ni Manilyn Reynes. Paborito ito ngayong patugtugin sa AM at FM band.

Ang mga miyembro ng Freshmen Band ay sina Joseph Castro at Roel Aldana (vocalist); Edward dela Cruz (lead guitarist); Jerome Raymundo (bassist); Trician Andres (keyboardist) at Daziel Ledda (drummer).

Ang Freshmen Band ang umawit ng theme song ng Buttercup isang bagong show sa Channel 2 na tinatampukan ni Claudine Barretto.
Balasubas Ang Seksing Aktres
Nangulimlim ang career ng seksing aktres na ito sapul nang mabaliw sa pag-ibig. Ilan na rin ang naka-live-in nitong aktor noong kasagsagan nito sa paggawa ng pelikula at mga out-of-town shows dahil magaling din siyang umawit.

Samantala, naisyete ng aking kilalang alahera na mahilig itong kumuha ng hulugang alahas. Sa umpisa lang magandang magbayad ang aktres pero hirap na silang maningil sa dakong huli.

Sey pa ng alahera na pudpod na ang paa nila sa paningil pero wala na itong maibigay na pera at puro pangako na lang ang kanilang natatanggap.

Bago nag-artista ay nanggaling sa sikat na afternoon show ang mestisang aktres.

AIAI

ANAK

ANG TANGING INA

BALASUBAS ANG SEKSING AKTRES

BAYANI FERNANDO

CLAUDINE BARRETTO

DAZIEL LEDDA

FRESHMEN BAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with