Lumabis sina John at Willie
June 15, 2003 | 12:00am
Simula bukas, Lunes hanggang sa Sabado ay hindi muna natin mapapanood sa Masayang Tanghali Bayan sina Willie Revillame at John Estrada.
Ayaw man nilang mamahinga dahil ang bawat araw ng MTB ay mahalaga para sa kanila ay walang ibang pamimilian sina John at Willie kundi ang sundin ang pinairal na suspension ng ABS-CBN para sa kanila.
Hindi totoong ang MTRCB ang nagpataw ng suspension sa mga hosts ng MTB, ang Dos mismo, kesa iba pa ang magbigay ng leksyon sa kanilang mga kontratadong hosts ay sila na ang mas naunang humakbang.
Ayon sa MTRCB ay lumabis sa hinihinging mga alituntunin para sa isang live na programa sina John at Willie. May mga nagawa raw na sobra sa nararapat ang dalawa.
Ayaw kampihan-ipagtanggol ng Dos ang kanilang mga hosts, kaya para huwag nang lumaki pa ang sunog ay sila na ang nagbigay ng isang linggong suspension sa dalawa.
Pero hindi namin nagustuhan ang kwentong nakarating sa amin na kaya raw mainit ngayon ang ilang sector sa MTB ay dahil sa mga ipinadadalang sulat ng reklamo ng ilang manonood sa mga pahayagan, may mga kababayan daw tayong hindi nagkakagusto sa paraan ng pagho-host nina John at Willie, kaya kailangang aksyunan.
Ang ganitong uri ng laban ay hindi parehas, bakit kailangang bigyan ng sobra-sobrang bigat ang mga sulat na ni hindi nga natin alam kung kanino tunay na nanggaling.
Hindi naman ngayon at nakatanggap ng limampung libong sulat ang ibat ibang mga pahayagan na ang nag-iisang reklamo ay ang kawalan ng kapinuhan sa pagho-host ng kahit sino ay nangangahulugan ng ang buong sambayanan ang may ganung panlasa.
Sa mahigit na pitompung milyong bilang ngayon ng sambayanang Pilipino ay ni wala yun sa kalingkingan ng mas malaking porsiyentong masisiyahan at natutuwa sa ginagawang pagho-host ng mga inireklamo.
Puno na kasing hitik sa bunga ngayon ang MTB, kaya nakakukuha na ito ng atensyon, bukod sa maraming kababayan na natin ang pinaliligaya ng noontime show sa pamamagitan ng kanilang milyun-milyong mga papremyo ay ang lakas-lakas pa ng hatak ng kanilang mga hosts at co-host ngayon.
Kahit saan ka magpunta ngayon ay pinag-uusapan ang kanilang Urong-Sulong, ang Jack En Poy, ang Ukay-Ukay.
Kami man ang katapat ngayon ng MTB ay hindi kami makakatulog ng mahimbing, tataas din ang aming balahibo sa takot at nerbyos, dahil baka maiwanan kami ng MTB ng milya-milya sa rating.
Magandang sensyal para sa MTB ang suspension nina John at Willie, kahit pa kailangang pagpahingahin ang dalawang hosts sa loob ng isang linggo, ang atensyon at simpatya ng publiko ay nasa kanila pa rin.
Ang dami-dami nga namang hosts diyan na pabarubal kung umatake, pero hindi binibigyan ng atensyon.
Kung ang mundo ng pulitika ay may tinatawag na demolition job, ang mundo ng showbiz ay hindi rin makaiiwas sa ganung sistema, kesa nga naman lamunin sila ng buong-buo, kailangan ngayon pa lang ay wasakin na ang sumusulpot na kalaban, para huwag na silang maunahan pa.
Ayaw man nilang mamahinga dahil ang bawat araw ng MTB ay mahalaga para sa kanila ay walang ibang pamimilian sina John at Willie kundi ang sundin ang pinairal na suspension ng ABS-CBN para sa kanila.
Hindi totoong ang MTRCB ang nagpataw ng suspension sa mga hosts ng MTB, ang Dos mismo, kesa iba pa ang magbigay ng leksyon sa kanilang mga kontratadong hosts ay sila na ang mas naunang humakbang.
Ayon sa MTRCB ay lumabis sa hinihinging mga alituntunin para sa isang live na programa sina John at Willie. May mga nagawa raw na sobra sa nararapat ang dalawa.
Ayaw kampihan-ipagtanggol ng Dos ang kanilang mga hosts, kaya para huwag nang lumaki pa ang sunog ay sila na ang nagbigay ng isang linggong suspension sa dalawa.
Pero hindi namin nagustuhan ang kwentong nakarating sa amin na kaya raw mainit ngayon ang ilang sector sa MTB ay dahil sa mga ipinadadalang sulat ng reklamo ng ilang manonood sa mga pahayagan, may mga kababayan daw tayong hindi nagkakagusto sa paraan ng pagho-host nina John at Willie, kaya kailangang aksyunan.
Ang ganitong uri ng laban ay hindi parehas, bakit kailangang bigyan ng sobra-sobrang bigat ang mga sulat na ni hindi nga natin alam kung kanino tunay na nanggaling.
Hindi naman ngayon at nakatanggap ng limampung libong sulat ang ibat ibang mga pahayagan na ang nag-iisang reklamo ay ang kawalan ng kapinuhan sa pagho-host ng kahit sino ay nangangahulugan ng ang buong sambayanan ang may ganung panlasa.
Sa mahigit na pitompung milyong bilang ngayon ng sambayanang Pilipino ay ni wala yun sa kalingkingan ng mas malaking porsiyentong masisiyahan at natutuwa sa ginagawang pagho-host ng mga inireklamo.
Kahit saan ka magpunta ngayon ay pinag-uusapan ang kanilang Urong-Sulong, ang Jack En Poy, ang Ukay-Ukay.
Kami man ang katapat ngayon ng MTB ay hindi kami makakatulog ng mahimbing, tataas din ang aming balahibo sa takot at nerbyos, dahil baka maiwanan kami ng MTB ng milya-milya sa rating.
Magandang sensyal para sa MTB ang suspension nina John at Willie, kahit pa kailangang pagpahingahin ang dalawang hosts sa loob ng isang linggo, ang atensyon at simpatya ng publiko ay nasa kanila pa rin.
Ang dami-dami nga namang hosts diyan na pabarubal kung umatake, pero hindi binibigyan ng atensyon.
Kung ang mundo ng pulitika ay may tinatawag na demolition job, ang mundo ng showbiz ay hindi rin makaiiwas sa ganung sistema, kesa nga naman lamunin sila ng buong-buo, kailangan ngayon pa lang ay wasakin na ang sumusulpot na kalaban, para huwag na silang maunahan pa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended