Luis Manzano, binasted ni Anne Curtis
June 14, 2003 | 12:00am
Now it can be told! di sapat ang kagwapuhan at kasikatan ni Luis Manzano para mapaibig at mapasagot niya si Anne Curtis. Naganap ang panliligaw ng binata ni Mayor Vi noong panahong nag-break sina Anne at Oyo Boy Sotto, mga huling buwan ng nakaraang taon.
Nabalitaang isa sa mga invited celebrities si Anne sa birthday bash ni Lucky na ginanap kamakailan lamang sa Boracay. Dito, nabalitang naglasing si Anne pero hindi naman humantong sa kanyang pagwawala.
Inamin ito ni Anne dahil dito ay napagalitan siya ng kanyang ama. Ipinaliwanag naman nito na nasa tamang edad na siya para magdesisyon para sa kanyang sarili. Sinabi niya na di niya nakontrol ang kanyang sarili sa pag-inom pero, agad siyang tumigil nang pagsabihan siya.
Maraming nagsasabing may relasyon na ang dalawa dahil nakita si Anne sa naturang pagdiriwang ni Lucky pero sinabi ni Anne na totoong nanligaw sa kanya ang anak ni Ate Vi pero hindi sila naging mag-on dahil binalikan siya ng binata ni Ms. D.
Mahal ni Anne si Oyo Boy at ang tamang diskripsyon niya sa binata ay ideal husband kaya lang sa puntong ito ay napagkasunduan nilang mas maganda ang kanilang samahan kung hindi muna sila magsiseryoso. Maghihintay na lang sila ng tamang panahon para dito at sisiguruhin nila na mature silang haharapin ito pagdating ng oras.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended