^

PSN Showbiz

Kuwento ng 3 baguhang bold stars

- Veronica R. Samio -
Magmula nang gumanda ang napaka-simpleng buhay ng kanilang kapitbahay sa Cebu na si Maye Tongco, na nakilala sa paggawa ng mga bold movies, hindi na kinailangang hikayatin ni Bing Tongco ang magkakapitbahay na sina Vanessa Ferrari at Iris Borromeo na pasukin din ang mundo ng pelikula. Ang mga ito ang nagprisinta sa kanya.

Sa Cebu nakita ni Bing Tongco, isa sa mga talent managers na may pinakamaraming alagang bold star, si Maye. Nag-prisinta ito sa kanya na sumamang Maynila, matapos na madala niya rito ang kaiskwela nitong si Nina Lopez at mabigyan ito ng pelikula. Sa kasamaang palad matapos na mailunsad si Nina sa Dalaginding ay nagpasya itong magbago ng image, naging wholesome sa Message Sent na hindi na nasundan pa.

Si Maye ang nagbigay ng interes sa tatlong baguhang artista na, ang isa pa ay ang Kabitenyang si Ayen Allegre, na pasukin ang bold movies. Ang sunud-sunod na pelikula ni Maye, ang malaking improvement ng personalidad nito, ang gumagandang buhay ng pamilya nito dahilan sa regular na sustento ni Maye ang pangunahing factor na nagbigay ng lakas ng loob sa tatlo.

Nasa Maynila na sina Ayen, Vanessa at Iris. Kasalukuyan na silang isinasailalim ni Bing Tongco na ginawa na rin nilang manager, sa mga personality at acting workshops. Unti- unti ay binibigyan na sila ng exposure. Bukas makalawa, baka kasing-sikat na rin sila kung hindi man mas sikat sa kanilang kapitbahay na si Maye.

Kilalanin pa nating mabuti ang tatlo:

Eighteen years old lamang si Ayen Allegre, na ilulunsad ng El Niño Films sa pagka-bituin sa pelikulang Pakwan, nang madiskubre ni Bing habang nagpapagupit sa kanyang parlor. Kinse anyos pa lang ito ay kilala na ng prodyuser ng Seiko Films na si Robbie Tan. Pero, kahit nagpiprisinta siyang artista ay ayaw nito dahilan sa kanyang kabataan. Nakaabot ng fourth year high school pero, di nakatapos. Ayaw na niyang bumalik dahil magiging pinakamatanda siya sa kanilang lahat.

Dapat marami nang pelikula si Ayen pero, ayaw niyang mag-ekstra. Dahil mahirap ang kanyang pamilya kung kaya madali nila siyang pinayagan na mag-artista kahit na sa bold movies. Maganda na ang sukat ng kanyang katawan, 34-25-35 pero, pumayag pa itong magpa-augment ng boobs. Size 36B siya ngayon.
*****
First year sa kursong nursing si Vanessa Ferrari na nagpasyang tumigil para mag-artista.Thirteen years old siya nang maghiwalay ang kanyang Japanese father at half-Filipino, half-Norwegian mother. Nakitira siya sa isang kaibigan sapagkat hindi niya gusto ang kanyang stepfather.

May pelikula na siya, ang Bigay Hilig na kung saan ang role niya ay isang bading na nagpa-opera para maging babae. May mga maiinit na lovescene sila ni Gerson Tan, ang asawa ng singer na si Mystica na nag-aartista rin. Nagtatampo nga ang manager niya sa producer ng movie dahil, tinulungan niya itong maka-likom ng P5M kapalit ang pagbibida ni Vanessa sa naturang pelikula pero, hindi ito tumupad sa kanilang kasunduan.

Nineteen years old si Vanessa at may sukat na 34-25-35.
*****
Hindi pa man nailulunsad si Iris Borromeo, edad 18, ay may kontrobersya na siya agad. Ilulunsad siya sa pagkabituin ng Angora Films sa pelikulang Laban kung kaya inaasahan na magkakaroon sila ng mahigpit na competition ng itinuturing na "reyna’ ng nasabing film outfit na si Aleck Bovick.

Si Iris ang nababalitang binigyan ng condo unit ng kanyang producer na tinanggihan ng kanyang manager.

Bagaman at nung una ay ayaw siyang payagan na maging bold star, kinumbinse niya ang kanyang ina na maging praktikal, ang pag-aartista lamang niya ang makakatulong para mabuhay silang maayos na walong magkakapatid.

vuukle comment

ALECK BOVICK

ANGORA FILMS

AYEN ALLEGRE

BIGAY HILIG

BING TONGCO

EL NI

IRIS BORROMEO

KANYANG

VANESSA FERRARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with