$200 per head sa reception ng Donita/Eric wedding
June 11, 2003 | 12:00am
Magkakahiwalay naming nakakwentuhan sa telepono sina Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez at ace photographer na si Raymond Isaac na pare-parehong dumalo sa wedding nina Donita Rose at Eric Villarama na ginanap sa isang garden sa loob ng Bacara Beach sa Santa Barbara, California nung nakaraang Lunes, June 9.
The Christian wedding ceremony started at 5:30 p.m. with less than a hundred guests. Tulad ng gown ni Ruffa, si Inno Sotto rin ang gumawa ng wedding gown ni Donita. Ayon kay Raymond Isaac, mahigit $200 ang bayad per head sa reception at kahit hindi ganoon karami ang mga bisita, it was very orderly at kakaiba.
Isang Christian song ang inawit ni Gary V. sa wedding ceremony at dalawang beses naman siyang kumanta sa reception habang si Nanette Inventor naman ay nag-comic monologue.
Ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ay kasama sa mga tumayong ninong at ninang, ganoon din ang mag-asawang Gary at Angeli Valenciano. Kasama rin sa mga principal sponsors sina Kuya Germs (Moreno), sina G. Menardo Jimenez at Wilma Galvante ng GMA-7. Ang GMA ang nakakuha ng rights sa wedding nina Donita at Eric.
Si Ruffa nga pala ang tumayong Matron of Honor sa kasal.
Since sa Amerika ginanap ang kasal, mga immediate members of the respective families nina Donita at Eric ang mga dumalo, ganoon din ang kanilang mga close friends. Naroon din sina Joey Mead, G. Toengi, John Nite at iba pa.
Panandalian naming nakausap si Donita nang ipasa sa kanya ang cellphone ni Raymond at the reception.
"Im the happiest woman in the world, Tita," bulalas niya. "I cannot ask for anything more."
Since fully-booked ang Bacara Beach Resort. Sa Holiday Inn Hotel tumuloy ang mga bisita nina Donita at Eric dahil nagkaroon pa ito ng rehearsal nung nakaraang linggo.
Dahil two hours drive lamang from LA ang Santa Barbara, si Eddie Gutierrez ang nagmaneho ng kanilang sasakyan at kasama niyang umalis ng LA last Sunday sina Annabelle, Ruffa at kapatid nitong si Raymond. After the reception ay bumalik na sila ng LA.
Tinanong namin si Donita kung saan ang kanilang honeymoon pero sinabi nito na hindi umano niya alam dahil sorpresa ito sa kanya ni Eric.
After the honeymoon ay muling babalik ng Singapore ang bagong kasal at doon (muna) sila magbi-base.
Email: <[email protected]>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended