^

PSN Showbiz

Long Mejia nasa Dos na, pero di pa makakalabas dahil may kontrata pa sa GMA 7

ALARMA - Eric John Salut -
Kung kami ang naging judge sa Star In A Million tiyak na nahirapan kami na piliin kung sino ang magu-goodbye sa third-set-of-5 finalists last Sunday sa ASAP Mania. Ang new batch ng limang kasali sa Star In A Million ay sina Aicelle Santos, Criselda Bañez Czarina Rosales, Angelo Dominguez at Marnelle Santos. Ang natatanging male contestant na si Angelo ang na-eliminate gayung mataas din ang kanyang nakuhang vote sa texter’s choice. Well, hindi rin matatawaran ang mga choices ng judges like Barbie ng Barbie’s Cradle, Girlie Rodis, director Ms. Trina Dayrit at ang wala pa ring kupas na si Donna Cruz.

Kapana-panabik talaga ang naging elimination, kung saan ang tatanghaling June winner at ihahanay sa mga past winners na sina Christian Bautista at Gayle Dizon.
* * *
Malapit na ang debut ng young actress na si Camille Prats on June 21 sa Isla Ballroom ng EDSA Shangrila Plaza. Camille who’s actually turning 18 on June 20, wishes more blessings to come for her career and family. Nais ding makatapos ni Camille ng kursong MassCom, major Advertising sa Thames International School. In fact, para makapagtapos ng kurso, plano ng dalaga na sa abroad tapusin ang remaining years niya sa pag-aaral.

Nu’ng pamiliin ng movie press si Camille kung ano ang kanyang pipiliin, a tour-around the world o ang grand debut package, mas pinili ni Camille ang huli dahil minsan lamang mangyari ang ganito sa buhay ng isang babae. Samantalang pwede nga naman siyang makapag-abroad kapag kumikita na at nasa tamang panahon.
* * *
Hindi na idinenay ni Claudine Barretto na napag-uusapan na rin nila ng kasintahang si Raymart Santiago ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. In fact, Claudine told us na, kung siya ang pamimiliin sa isang garden, beach o church wedding, mas pipiliin niya ang huli dahil isang sagradong seremonyas nga naman ang magaganap mismo sa loob ng simbahan, although ang gusto ni Claudine before ay isang beach wedding. Mala-Nora Aunor na beach wedding with Christopher de Leon, more than two decades ago.
* * *
Nasa MTB na si Dagul at masayang karagdagan ito sa noontime show. Kung hindi sana nagkaroon ng problema sa kontrata ni Long Mejia, baka nakasama na rin ito sa paglipat ng kaibigang si Dagul.

Nasa ABS-CBN na kasi ang kanilang manager na si Ipe Felino at sa paglipat nito, ninais na rin ng dalawa na sumama sa kanilang mentor at discoverer. ‘Yun nga lang, si Dagul ang di nagkaroon ng problema at si Long ay pansamantalang naghihintay ng kanyang paglaya sa kabilang network.

Mahirap na kasing mabutasan pa ng ilang legalities kapag isinama na rin si Long sa nasabing noontime show.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ANGELO DOMINGUEZ

BARBIE

CAMILLE

CAMILLE PRATS

CHRISTIAN BAUTISTA

CLAUDINE

DAGUL

STAR IN A MILLION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with