Priscilla, ginugulpe ng asawa?
June 10, 2003 | 12:00am
Naging malapit si Priscilla Almeda sa amin since gawin niya ang Sutla sa Solar Films at nalaman ko lately na marami pa rin pala itong problema lalo na sa kanyang buhay-may-asawa.
Naikwento nito sa ilang kapatid sa hanapbuhay na siyay isang battered wife. Nasabi rin ito ng aktres sa isang showbiz-oriented talk show at nalungkot ang mga kamag-anak ng asawa niya dahil sa kanyang ginawang pagtatapat. Wala naman daw silang ipinakitang masama sa aktres at naging maganda ang trato nila rito.
Sa palagay ko, isa siguro sa dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang kanilang married life ay dahil sa agwat ng kanilang edad immature pa ang lalaki at nahirapang mag-adjust sa ugali ni Priscilla.
Pero hindi rin natin alam kung ano talaga ang dahilan dahil may nakarating ding balita sa akin na handa pa ring tanggapin ng asawa si Priscilla kahit nagsalita na ito sa TV.
Sinabi ni Benjie Paras na mainstay ng Kool Ka Lang Oo Naman na naging maayos ang paghihiwalay nila ni Jackie Forster. Naiwan sa kanyang kandili ang kanilang mga anak. Naghihintay na lang sila sa desisyon ng korte sa inihain nilang annulment. Lumalabas na siya for a date pero hindi pa handa sa panibagong commitment. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga anak.
Tuloy pa rin naman ang komunikasyon nila ng ex-wife through text messages. Alam niyang nasa Guam ito ngayon for a singing commitment.
Sa kabilang banda, nalulungkot ang komedyante dahil nasira ang kanyang pangarap na maging role model sa basketball scene dahil sa ginawang force retirement sa kanya ng Shell kung saan naging bahagi siya ng koponan sa mahabang panahon.
Kinuha si Benjie ng San Miguel at maglalaro siya rito ng dalawang buwan. Kapag napatunayan na magaling pa rin ang performance niya ay baka ma-extend ang kanyang kontrata rito.
Kasama pa rin si Benjie sa soap opera na Narito Ang Puso Ko na tinatampukan nina Jolina Magdangal, Raymart Santiago at James Blanco.
Bago ngayon ang hairdo ng barbie doll beauty na si Angelika dela Cruz. Maraming nagsabing bumagay ito sa kanya. Nagpagupit siya ng maigsi (spiky look) na ginawa ni Alex Carbonel. Sexy ang dating nito ngayon lalo na sa ipinamalas niyang dance number sa SOP dahil bukod sa magaling umarte ay mahusay pa rin itong sumayaw at kumanta.
Dahil sa kanyang new look ay pwede na siyang tumanggap ng role na bida-kontrabida. Pinabulaanan ng magandang aktres na nagbago na ang kanyang pag-uugali. "Nakatungtong pa rin ang paa ko sa lupa. Utang ko pa rin ang tagumpay ko sa mga taong nakatulong at makakatulong pa sa aking career lalo na ang mga taga-GMA 7."
Nalulungkot ako sa nangyari kay Direk Danny Holmsen. Minsan ko na siyang nainterbyu sa DWAN Radio hosted by Andrew Gutierrez. Karamihan ng mga kinompose nitong awitin ay kinanta ni Nora Aunor.
Ang hindi namin matanggap ay ang klase ng kanyang kamatayan. Hes already 72 years old at isang mabuting tao. Sana ay mabigyan agad ng hustisya ang kanyang kamatayan at mahuli agad ang kriminal.
Naikwento nito sa ilang kapatid sa hanapbuhay na siyay isang battered wife. Nasabi rin ito ng aktres sa isang showbiz-oriented talk show at nalungkot ang mga kamag-anak ng asawa niya dahil sa kanyang ginawang pagtatapat. Wala naman daw silang ipinakitang masama sa aktres at naging maganda ang trato nila rito.
Sa palagay ko, isa siguro sa dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang kanilang married life ay dahil sa agwat ng kanilang edad immature pa ang lalaki at nahirapang mag-adjust sa ugali ni Priscilla.
Pero hindi rin natin alam kung ano talaga ang dahilan dahil may nakarating ding balita sa akin na handa pa ring tanggapin ng asawa si Priscilla kahit nagsalita na ito sa TV.
Tuloy pa rin naman ang komunikasyon nila ng ex-wife through text messages. Alam niyang nasa Guam ito ngayon for a singing commitment.
Sa kabilang banda, nalulungkot ang komedyante dahil nasira ang kanyang pangarap na maging role model sa basketball scene dahil sa ginawang force retirement sa kanya ng Shell kung saan naging bahagi siya ng koponan sa mahabang panahon.
Kinuha si Benjie ng San Miguel at maglalaro siya rito ng dalawang buwan. Kapag napatunayan na magaling pa rin ang performance niya ay baka ma-extend ang kanyang kontrata rito.
Kasama pa rin si Benjie sa soap opera na Narito Ang Puso Ko na tinatampukan nina Jolina Magdangal, Raymart Santiago at James Blanco.
Dahil sa kanyang new look ay pwede na siyang tumanggap ng role na bida-kontrabida. Pinabulaanan ng magandang aktres na nagbago na ang kanyang pag-uugali. "Nakatungtong pa rin ang paa ko sa lupa. Utang ko pa rin ang tagumpay ko sa mga taong nakatulong at makakatulong pa sa aking career lalo na ang mga taga-GMA 7."
Ang hindi namin matanggap ay ang klase ng kanyang kamatayan. Hes already 72 years old at isang mabuting tao. Sana ay mabigyan agad ng hustisya ang kanyang kamatayan at mahuli agad ang kriminal.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended