Actress, pinigilan ang sariling magsalita
June 10, 2003 | 12:00am
Im sure nai-insecure si Jaya kay Lani Misalucha? Pagdating kasi sa kantahan, mas lutang na lutang ang boses ni Lani sa SOP. At hindi lang sa pagkanta ha. Lalo na sa career. As in milya-milya na ang layo ni Lani samantalang si Jaya na-stuck na lang sa SOP matapos umalis sa poder ni Ms. Pilita Corrales.
Hindi kasi maiwasang i-compare ang dalawa especially kung manonood ka ng kanilang programa na incidentally ay napanood ko last Sunday.
Kasi naman si Jaya, iniiba-iba ang tono ng kanta, kaya tuloy parang nakakairita sa tenga pag naririnig mo. Bakit kasi kailangan pang mag-kulot ng boses, hindi yung natural na lang.
Anyway, naalala ko lang silang i-compare dahil sa bagong album ni Lani na "Loving You" na nagkaroon ng launching last week.
Almost three years ago na rin pala nang unang mag-record si Lani ng studio album. Simula non, walang nakapigil sa pagsikat niya. Hindi naging issue ang pagiging may- bahay niya at ina ng dalawa niyang anak.
Nang magkaroon siya ng major concert sa Araneta Coliseum ng dalawang magkasunod na gabi, grabe umaapaw ang nanood. Nadala niya yun hanggang sa America. Grabe raw talaga ang reaction ng audience everytime na kakanta siya sa mga concert niya sa America kung saan kararating lang niya.
Pero parang kulang ang lahat ng achievements niya dahil matagal-tagal na rin siyang walang album.
Sa "Loving You", lead single ang "Tila." Simple lang ang pagkakanta. Parang walang ka-effort-effort pero makikita mo kung gaano siya kagaling.
In any case, available na sa lahat ng record bars ang "Loving You".
Nagbitiw na pala ng statement ang isang actress na nababalitang hiwalay sa husband na politician. Sabi raw nito, kung kaya niyang gawin ang kanyang asawa, kaya rin daw niya itong sirain. Mismong isang taong malapit sa actress ang nagsabi nang tungkol dito na minsan na raw na-mention sa kanya.
Pero consistent ang denial ng actress tungkol sa kanilang umanoy paghihiwalay. Wala raw silang problema. Pero ang totoo raw nito ayon sa source ng Baby Talk, galit na siya at gustung-gusto na niyang magsalita. Pero may career sila pareho kaya parang takot din siya.
Tingnan na lang natin kung magsasalita siya o kung sasarilinin na lang niya ang problema nilang mag-asawa.
Nagsama-sama na ang malalaking grupo sa industriya ng pelikula, music, software para tuluyan nang masawata ang paglala ng pirata sa bansa. Itoy sa pamamagitan ng Intellectual Property (IP) Coalition na nagtutulak para makapasa sa senado ang Optical Media Bill. Pero ano nga ba itong Optical Media Bill (OMB) or House Bill 5225? Ang OMB ay naglalayong pigilan ang piracy of movies, songs, computer software and other such marketable content na ang ibig sabihin ay lalakas ang protection sa intellectual property rights (IPR) sa bansa. It aims to regulate the "replication, manufacture and distribution of optical media in all forms."
At bakit naman natin kailangan ito? Kung makakapasa raw ito sa senado, ang ibig sabihin, ang mga song, movie, computer software at iba pang marketable content cannot be duplicated, used, distributed and sold nang walang permiso ang tao o ang company na gumawa ng halimbawa ay song, movie, computer software etc.
Malala na ang problema ng pirata sa bansa. According to industry sources, at least 46.5% of sales in the entertainment industry (theatrical, video, cable television and music) is from pirated media. This means na ang total na halaga ay P7.2 billion tuwing taon ang ninanakaw mula sa songwriters, playwrights, scriptwriters, producers of television and radio shows and plays, singers at iba pang talents.
Hindi kasi nagbabayad ng tax ang mga namimirata kaya aabot sa P 1.7 Billion ang nawawala sa gobyerno.
Sa software industry naman, nawalan ng trabaho ang 2,684 noong 1998, 3,218 in 1999 at 3,514 noong 2000. Naging resulta nito ang pagkawala ng P7.8 Billion noong 1996, P7.9 Billion noong 1997, P10.2 Billion noong 1998, P13.2 Billion in 1999 at P15.7 Billion in 2000.
Ganoon ka-grabe. Kaya sana sa lalong madaling panahon bigyang pansin ang bill na ito ng senado para tuluyan nang magwakas ang masasayang araw ng mga pirata.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]/[email protected]
Hindi kasi maiwasang i-compare ang dalawa especially kung manonood ka ng kanilang programa na incidentally ay napanood ko last Sunday.
Kasi naman si Jaya, iniiba-iba ang tono ng kanta, kaya tuloy parang nakakairita sa tenga pag naririnig mo. Bakit kasi kailangan pang mag-kulot ng boses, hindi yung natural na lang.
Anyway, naalala ko lang silang i-compare dahil sa bagong album ni Lani na "Loving You" na nagkaroon ng launching last week.
Almost three years ago na rin pala nang unang mag-record si Lani ng studio album. Simula non, walang nakapigil sa pagsikat niya. Hindi naging issue ang pagiging may- bahay niya at ina ng dalawa niyang anak.
Nang magkaroon siya ng major concert sa Araneta Coliseum ng dalawang magkasunod na gabi, grabe umaapaw ang nanood. Nadala niya yun hanggang sa America. Grabe raw talaga ang reaction ng audience everytime na kakanta siya sa mga concert niya sa America kung saan kararating lang niya.
Pero parang kulang ang lahat ng achievements niya dahil matagal-tagal na rin siyang walang album.
Sa "Loving You", lead single ang "Tila." Simple lang ang pagkakanta. Parang walang ka-effort-effort pero makikita mo kung gaano siya kagaling.
In any case, available na sa lahat ng record bars ang "Loving You".
Pero consistent ang denial ng actress tungkol sa kanilang umanoy paghihiwalay. Wala raw silang problema. Pero ang totoo raw nito ayon sa source ng Baby Talk, galit na siya at gustung-gusto na niyang magsalita. Pero may career sila pareho kaya parang takot din siya.
Tingnan na lang natin kung magsasalita siya o kung sasarilinin na lang niya ang problema nilang mag-asawa.
At bakit naman natin kailangan ito? Kung makakapasa raw ito sa senado, ang ibig sabihin, ang mga song, movie, computer software at iba pang marketable content cannot be duplicated, used, distributed and sold nang walang permiso ang tao o ang company na gumawa ng halimbawa ay song, movie, computer software etc.
Malala na ang problema ng pirata sa bansa. According to industry sources, at least 46.5% of sales in the entertainment industry (theatrical, video, cable television and music) is from pirated media. This means na ang total na halaga ay P7.2 billion tuwing taon ang ninanakaw mula sa songwriters, playwrights, scriptwriters, producers of television and radio shows and plays, singers at iba pang talents.
Hindi kasi nagbabayad ng tax ang mga namimirata kaya aabot sa P 1.7 Billion ang nawawala sa gobyerno.
Sa software industry naman, nawalan ng trabaho ang 2,684 noong 1998, 3,218 in 1999 at 3,514 noong 2000. Naging resulta nito ang pagkawala ng P7.8 Billion noong 1996, P7.9 Billion noong 1997, P10.2 Billion noong 1998, P13.2 Billion in 1999 at P15.7 Billion in 2000.
Ganoon ka-grabe. Kaya sana sa lalong madaling panahon bigyang pansin ang bill na ito ng senado para tuluyan nang magwakas ang masasayang araw ng mga pirata.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended