Dadoy at Bong sa pelikula susunod na magsasama
June 9, 2003 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon ay makikitang magkasama sa isang sitcom ang magkumpareng Rudy Fernandez at Ramon Revilla Jr. at itoy mangyayari ngayong gabi (June 9) sa Daboy en Da Girl sa GMA 7 na tinatampukan din nina Rosanna Roces at Alma Moreno kasama sina Sunshine Dizon, Sex Bomb Dancers, Jeffrey Santos at iba pa.
Ang magkumpare ay parehong may magkahiwalay na sitcoms sa Siyete. Si Bong ay may Idol Ko Si Kap habang si Daboy naman ay may Daboy en Da Girl.
Tatlong magkakahiwalay na contract signing ang aming sinaksihan nung nakaraang Biyernes (Hunyo 6). Una rito ay pagpirma ng mga stars na gaganap sa mega production ng Regal Films para sa ikalawang yugto ng Mano Po na siyang pambato ng kumpanya sa darating na Metro Manila Film Festival. Ang contract signing ay ginanap sa penthouse ng Imperial Palace in Quezon City. Sumunod naman dito ang pagpirma ni Kris Aquino bilang pinakabagong endorser ng Leonardo Bags na ginanap naman sa Dulcinea (also in Quezon City) at pangatlo ay ang muling pagri-renew ni Kristine Hermosa bilang celebrity endorser ng Maxi-Peel at ang pagpirma rin ni Claudine Barretto bilang karagdagang image model ng nasabing produkto. Ang contract signing ay ginanap naman sa Annabels.
Sa isinagawang contract-signing at formal announcement ng Regal Films sa pagsasapelikula ng Mano Po 2 dumalo ang mga bubuo ng major cast na kinabibilangan nang nagbabalik-pelikula na si Susan Roces, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Kris Aquino, Judy Ann Santos at Alessandra de Rossi. Naroon din ang magdidirek ng pelikula na si Erik Matti, ang scriptwriter na si Roy Iglesias at ang mega producer na si Mother Lily Monteverde.
Ang istorya ng Mano Po 2 ay totally kakaiba sa naunang Mano Po.
Sa original cast ng Mano Po, tanging si Kris Aquino lamang ang na-retain at ang iba ay pawang bago, including the director na si Erik Matti.
"At least, in my entire movie career, makakatrabaho ko na ang movie queen na si Tita Susan. Ang mommy (former Pres. Cory Aquino) ko ay isang Susanian kaya tuwang-tuwa siya nang malaman niyang magkakasama kami sa movie ni Tita Susan and I will be portraying the young Susan in the movie," natutuwang kwento ni Kris.
Sinabi naman nang nagbabalik-pelikulang si Susan na super excited siya sa proyektong ito dahil bukod sa napakalaking production ito, pawang first time niyang makakasama ang bumubuo ng cast.
Idinagdag ni Susan na swerte umano sa kanya ang June 6 dahil 47 years ago, June 6 din nang pumirma siya ng kontrata sa Sampaguita Pictures bilang build-up star ng nasabing movie outfit. June 6 din nang pumirma siya ng kontrata sa Regal para sa pelikulang Mano Po 2.
Nag lie-low man si Susan sa larangan ng pag-arte, masugid naman siyang taga-subaybay ng ibat ibang teleserye sa telebisyon, game shows at maging mga talk shows kaya updated pa rin siya sa mga kaganapan sa showbiz.
Ayon naman kay Boyet (Christopher), pinanood umano niya ang Mano Po at talagang na-impress siya sa pelikula. Ngayong kasama na siya sa Mano Po 2 ay dobleng excitement ang kanyang nadarama.
Gusto naman ni LT maging bida/kontrabida ang kanyang role sa pelikula dahil sawa na umano siya na parati na lamang mabait ang role na kanyang ginagampanan.
Samantala, sinabi sa amin ni LT na extended ang Kay Tagal Kang Hinintay until September kaya mahigit pang tatlong buwan na aabangan ang well-followed teleserye na kanyang pinangungunahan.
Pagkatapos ni Judy Ann Santos na siyang unang celebrity ng Leonardo Bags, si Kris Aquino naman ang pinakabagong image model ng nasabing brand ng bag. Ang contract signing ay ginanap sa Dulcinea in Quezon City nung nakaraang Biyernes ng hapon pagkatapos ni Kris dumalo sa contract signing ng mga stars ng Mano Po 2.
Although kilala si Kris sa paggamit ng mga branded at mamahaling bags, isang taon umano niyang isasantabi muna ang kanyang mga Prada at Louis Vuitton bags niya bilang pagsuporta sa kanyang bagong ini-indorsong brand ng bags. Katunayan, nang dumating ito sa contract signing ay naka-Leonardo bag na siya. Kaya tuwang-tuwa ang managing director ng Leonardo na si Susan Tan at ang VP for marketing na si Eric Javier.
Ang maganda kay Kris, she give suggestions at open naman ang Leonardo sa kanyang ideas.
Email: <[email protected]>
Ang magkumpare ay parehong may magkahiwalay na sitcoms sa Siyete. Si Bong ay may Idol Ko Si Kap habang si Daboy naman ay may Daboy en Da Girl.
Ang istorya ng Mano Po 2 ay totally kakaiba sa naunang Mano Po.
Sa original cast ng Mano Po, tanging si Kris Aquino lamang ang na-retain at ang iba ay pawang bago, including the director na si Erik Matti.
"At least, in my entire movie career, makakatrabaho ko na ang movie queen na si Tita Susan. Ang mommy (former Pres. Cory Aquino) ko ay isang Susanian kaya tuwang-tuwa siya nang malaman niyang magkakasama kami sa movie ni Tita Susan and I will be portraying the young Susan in the movie," natutuwang kwento ni Kris.
Sinabi naman nang nagbabalik-pelikulang si Susan na super excited siya sa proyektong ito dahil bukod sa napakalaking production ito, pawang first time niyang makakasama ang bumubuo ng cast.
Idinagdag ni Susan na swerte umano sa kanya ang June 6 dahil 47 years ago, June 6 din nang pumirma siya ng kontrata sa Sampaguita Pictures bilang build-up star ng nasabing movie outfit. June 6 din nang pumirma siya ng kontrata sa Regal para sa pelikulang Mano Po 2.
Nag lie-low man si Susan sa larangan ng pag-arte, masugid naman siyang taga-subaybay ng ibat ibang teleserye sa telebisyon, game shows at maging mga talk shows kaya updated pa rin siya sa mga kaganapan sa showbiz.
Ayon naman kay Boyet (Christopher), pinanood umano niya ang Mano Po at talagang na-impress siya sa pelikula. Ngayong kasama na siya sa Mano Po 2 ay dobleng excitement ang kanyang nadarama.
Gusto naman ni LT maging bida/kontrabida ang kanyang role sa pelikula dahil sawa na umano siya na parati na lamang mabait ang role na kanyang ginagampanan.
Samantala, sinabi sa amin ni LT na extended ang Kay Tagal Kang Hinintay until September kaya mahigit pang tatlong buwan na aabangan ang well-followed teleserye na kanyang pinangungunahan.
Although kilala si Kris sa paggamit ng mga branded at mamahaling bags, isang taon umano niyang isasantabi muna ang kanyang mga Prada at Louis Vuitton bags niya bilang pagsuporta sa kanyang bagong ini-indorsong brand ng bags. Katunayan, nang dumating ito sa contract signing ay naka-Leonardo bag na siya. Kaya tuwang-tuwa ang managing director ng Leonardo na si Susan Tan at ang VP for marketing na si Eric Javier.
Ang maganda kay Kris, she give suggestions at open naman ang Leonardo sa kanyang ideas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended