^

PSN Showbiz

Maui at Ara, hindi nag-iinggitan

-
Pinabulaanan ni Ara Mina at Maui Taylor, lead stars ng Ang Huling Birhen Sa Lupa, na may alitan sila dahil sa promo ng nasabing pelikula. Dedma rin ang dalawang aktres sa isyung kung sino ang mas lumutang ang role.

Ayon sa kanila, ang importante ay pareho silang masaya sa kinalabasan ng pelikula at excited na sila kung ano ang magiging reaksyon ng publiko sa kanilang performance. Sabi rin nila na kung todo-todo man ang pagbo-bold at pagpapaseksi nila ay ’di rin ito malaking isyu para sa kanila dahil naniniwala sila sa proyektong ito ng JAGGS at Neo Films. Masaya rin sila dahil isang magaling at respetadong director, si Joel Lamangan, ang nakatrabaho nila.

Isang prostitute ang role ni Ara sa pelikulang ito at siya rin ang katulong ni Jay Manalo, isang paring nagkukunwaring nagmimilagro, sa panlilinlang nito sa mga taong nakatira sa kanilang barrio. Sa kagustuhang kumita ng pera, nagpagamit nang todo-todo si Ara kay Jay sa maka-mundong gawain niya.

Isang nakakalokang eksena rin dito ay nang linisin ni Ara ang ari ni Jay bago sila magtalik. At sa bawat tagumpay nila sa panloloko ng mga taong nananalig sa sinasabing himala ay katumbas ang mainit na selebrasyon nilang dalawa sa isang kama.

Istorya naman ng isang retarded na kapatid ni Ara ang ginampanang papel ni Maui sa Ang Huling Birhen Sa Lupa. Sa pelikula ay ni-rape ang magkapatid ng limang manyak na kalalakihan. Ayon kay Maui, ito raw ang pinaka-challenging requirement para sa role nila. "Habang kinukunan namin ng eksena ito, pakiramdam ko ay nire-rape talaga kami. Hinayaan ko silang gawin ang gusto nila sa ’kin para lumabas na realistic ’yung eksenang ’yon," wika pa ni Maui.

Walang kaduda-duda ang tagumpay ng pelikulang Ang Huling Birhen Sa Lupa na entry ng JAGGS at Neo Films sa 2003 Manila Film Festival dahil may Ara na, may Maui ka pa! ’Yun na!

ANG HULING BIRHEN SA LUPA

ARA MINA

AYON

ISANG

JAY MANALO

JOEL LAMANGAN

MANILA FILM FESTIVAL

MAUI

MAUI TAYLOR

NEO FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with