Baka mauna pa ang mga pirata sa MFF
June 8, 2003 | 12:00am
Sa June 11 na ang simula ng Manila Film Festival. Dasal ko lang, wala sanang lumabas na mga pirated copies on VCDs ng mga lahok after one day na magbukas ang festival ni Mayor Lito Atienza.
Noong huling nakausap namin si VRB Chairman Bong Revilla, sa presscon ng pelikulang lahok ng Imus Productions, Bertud ng Putik, maganda ang binitiwang pangako ng actor/politician.
"Tututukan namin nang husto ang aming entries upang hindi ma-pirate," tiniyak ni Bong. "During the Metro Manila Film Festival, naging successful kami sa pagbabantay. Nakalabas lamang ang mga pirated versions ng mga entries after 17 days."
Ang misyon ngayon nina Bong Revilla at iba pang producers ng mga MFF entries, mawala sa bangketa ang mga piniratang version ng kanilang mga pelikula. Marami kasing mga galamay ang mga sindikatong ilegal na kumukopya ng mga pelikula kayat magdadagdag pa ng mga tauhan ang VRB.
Sana hindi nga makaporma ang mga pirata kahit man lang sa buong panahon ng MFF. Ang Maynila pa naman ni Mayor Atienza ang pinaka-sentro ng bentahan ng mga pirated CDs, VCDs at DVDs. Pumayag kaya ang mga pirata na hindi sila makanakaw ng negosyo ng mga malalakas na pelikula sa parating na festival?
Ano naman kayang tulong mula sa City Hall ni Mayor Atienza ang maibibigay sa mga film producers na sumali sa festival upang hindi mapirata ang kanilang mga lahok?
May maaasahan naman kaya sila?
Ang napapansin lang namin, kapag ang mga artista ay galing sa mga dating leading film companies tulad ng Sampaguita at LVN Pictures, may staying power.
Tulad ng walang kapantay na si Eddie Garcia, who is already on his six decade as a most in demand actor.
Kaya naman itong si Lilia Dizon, pinapangarap na maging katulad ni Eddie Garcia ang kanyang anak na si Christopher de Leon. Ngayon, magkasama sina Eddie at Lilia sa GMA teledrama na Narito Ang Puso Ko, sisimulan na sa bukas, 9 ng gabi.
Si Rosa Rosal naman na galing sa LVN ay patuloy na gumaganap ng pangunahing papel sa mga teledrama at kung minsan ay nagpepelikula pa.
Ang dating movie queen na Reyna rin ng Sampaguita na si Gloria Romero ay never nabakante sa mga TV o movie assignments.
Ilan pa sa mga taga-Sampaguitat LVN na nasa eksena pa hanggang ngayon ay sina Eddie Gutierrez, Luz Valdez, Barbara Perez at Tirzo Cruz 111.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended