Pang-TV lang si Lani
June 8, 2003 | 12:00am
Babalik na si Lani Misalucha sa SOP. Matagal din niyang na-miss ang programa ng GMA7, tatlong linggo siyang nawala sa programa dahil pumunta siya ng Amerika para mag-concert sa Reno, San Diego at Los Angeles.
Sa pagbabalik niya, magsisimula na siyang mag-promote ng kanyang latest album sa Viva Records, ang "Loving You" na three years in the making dahilan sa kaabalahan niya.
Actually, magtatapos na sana ang kontrata niya sa Viva sa buwan ng Hulyo pero, dahilan sa kanyang album na nangangailangan ng panahon para mai-promote, mananatili siya sa Viva.
Carrier song ng album at paborito rin ni Lani ang "Tila". Mayron din itong mga remakes, "Muntik Nang Maabot ang Langit" ng Truefaith, "Tag-araw. Tag-Ulan" ni Hajji Alejandro, at "Loving You" ni Mimi Repperton.
Ang iba pang nilalaman ng album ay ang "Ibigin Mo Ako", "Sinaktan ang Puso", "Forgive Me For Dreaming", "Pinapangarap, Pinapanaginip", "Makayanan Ko Kaya" at "Sayang At Sinayang Mo".
Inamin ni Lani na malaking porsyento ng kanyang panahon ay nabubuhos sa kanyang pagkanta. Mabuti na lamang at mayroon siyang kabiyak na katulong niya sa pag-aasikaso sa kanilang tahanan at dalawang anak na babae.
"Mabuti na lamang at malalaki na sila, hindi na alagain pero, kailangan ko pa ring pagbuhusan ng panahon at pagmamahal. Mabuti rin at maaga akong namili ng kanilang mga gamit sa school. Hindi na ako kailangang magmadali ngayon," anang Asias Nightingale.
Katulad ni Regine na itinuturing niyang kaibigan sa kabila ng pag-iintriga sa kanila ng marami, tinanong si Lani kung tatanggap siya ng movie offers.
"Naku, hindi siguro. Sa TV baka, pwede pa, pero sa pelikula, malabo. I can not see myself doing a movie," sabi niya.
Kung hindi man tuluyang masugpo ang piracy sa ating bansa, mapipilay ito kapag tuluyan nang naipasa ng Senado ang Optical Media Bill na naglalayong mapangalagaan ang intellectual property rights.
Nakakaalarma nga naman ang paglaganap ng mga pirata sa kabila ng walang humpay na pagsugpo dito ni Bong Revilla bilang chairman ng VRB. Katunayan, halos naging bayolente pa ang huling raid na ginawa nila sa mga lugar ng pirata.
Mas humirap ang problema ngayon dahil hindi na ang pagtitinda rito at pagkakalat ng mga disc ang hinahanap kundi kung paano ito nakakapasok ng bansa at kung saan at sino ang mga gumagawa nito.
Ang nangyayari pa kasi ay nagiging racial ang labanan, parang anti-Muslim gayong ang mga involved dito ay yung mga sindikato na nasa likod din ng ipinagbabawal na gamot at iba pang krimen.
May pag-asa namang tinatanaw ang mga taong directly affected ng piracy sapagkat naipasa na sa lower house ang Optical Media Bill (OMB). Binabasa na ito ngayon sa Senate. Baka sa pagbubukas muli ng sesyon ay maipasa na ito.
Ang Optical Media Bill ang dahilan kung kaya nagtipun-tipon ang mga myembro ng Intellectual Property (IP) Coalition para mai-report ang status ng OMB at maipakilala ang mga tao na nagtatrabaho ng husto para mabigyan-katuparan ang nasabing bill, mga taong tulad nina Sen. Tessie Oreta, Cong. Imee Marcos, Cong. Harry Angping, Cong. Abraham Mitra at Presidential Legislative Liaison Off. Sec. Gabriel Claudio. Tanging sina Congressmen Marcos and Angping ang dumating at ang mga IP members na sina John Lesaca, Lou Bonnevie, Renz Verano, Trina Belamide, George Canseco, Girlie Rodis at ang record producer na si Ramon Chuaying.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended