^

PSN Showbiz

2 oras ang nilakad para mamalengke

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Nagmistulang Willingly Yours ang interbyu namin kay Mura, ang kasama ni Mahal sa Masayang Tanghali Bayan, dahil napakaganda pala ng kwento ng kanyang buhay.

Si Mura (na Abby Padua sa tunay na buhay) ay mula sa isang maliit na baryo sa Guinobatan, Albay at lumaki siya sa bundok.

Siya lang ang lumabas na kapos sa sukat sa kanilang magkakapatid (walo sa una at tatlo sa huli), pero sa liit niyang ’yun ay pinakikinabangan si Mura ng kanyang pamilya sa pamamalengke sa kapatagan.

"Dalawang oras po ang nilalakad ko pababa sa bayan, ako ang namamalengke. Pag ginaganahan po ako, isang oras at kalahati ko lang na tinatakbo ang bayan.

"Pero kapag wala ako sa kundisyon, palagi po akong nagpapahinga sa ilalim ng mga puno, kaya dalawang oras akong naglalakad," kwento ni Mura na diretso at malinaw magsalita, di katulad ni Mahal ma mabilis at mahirap intindihin.

Nagtrabaho siya sa Circus Club noong una bilang atraksyon sa mga turista, wala siyang ibang ginagawa kundi ang magparetrato lang sa tabi ng mga banyaga, pagkatapos ay binibigyan naman siya ng tip.

"May mga gabi po na malaki talaga ang kinikita ko, nakakadalawang libo ako isang gabi, kaya nakakatulong ako sa papa ko na nasa probinsya," kwento ni Mura.

Umiyak siya nang pag-usapan namin ang kanyang ina. Limang taon pa lang kasi siya nang mamayapa ito, wala pa siyang kaalam-alam. Pitong taon naman siya nang makapagsalita siya.

"Ngayon pong nasa MTB na ako, naisip ko lang, sana buhay pa ang mama ko para mabigyan ko siya ng mas magandang buhay," Si Tita Celina Pecho ang nakatuklas kay Mura limang taon na ang nakararaan, ito na rin ang kumupkop at nag-alaga sa kanya, ang ina ng kanyang manager ang itinuturing na lola ni Mura.

"Nagkatigdas po ako nu’ng nakaraang taon, hindi po ako makakain dahil masakit ang lalamunan ko. Nakita ko so lola, iyak nang iyak habang pinapagalitan niya ako dahil ayoko pong kumain," pag-alala pa ni Mura habang umiiyak.
* * *
May kakaibang lamlam ang mga mata ni Mura, ipinaglihi kasi siya sa manyika ng kanyang nanay, kaya nakuha niya ang lamlam at ganda ng mga mata ng manyika.

Sa July 5 ay 29 anyos na siya, 28 naman si Mahal, ang kanyang katambal sa MTB. Magkaibigan sila, wala silang inggitan, nagti-text sila araw-araw.

Marami siyang hirap na pinagdaanan, kaya ang kontratang pinirmahan niya sa ABS-CBN ay itinuturing niyang napakalaking biyaya mula sa Diyos.

"Wala na po akong trabaho nun, nagsara po ang club na pinagtatrabahuhan ko dahil sa SARS, pauwi na po ako sa Bicol nu’ng makita ako ni Kuya Willie (Revillame) sa pasilyo ng ABS-CBN.

"Ginamit po kasi akong props para sa Flying Sexy Girls nu’ng araw na ’yun, nakita niya ako, kaya sabi ni Kuya Willie, bumalik daw ako kinabukasan.

"Ayon na po, du’n na nagsimula ang pagkasali ko sa MTB, isinama na ako kay Mahal sa Jack En Poy. Maraming salamat po talaga sa ABS-CBN," naluluha pa ring kwento ni Mura.

Kapag napapanood namin si Mura sa telebisyon ay napapaluha kami kapag nagsasalita na siya, hindi namin alam ang dahilan, basta napapaiyak kami.

ABBY PADUA

AKO

CIRCUS CLUB

FLYING SEXY GIRLS

JACK EN POY

KUYA WILLIE

MASAYANG TANGHALI BAYAN

MURA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with