Bida rin sa movie pero dehado sa billing at psoter si Carlo Maceda
June 7, 2003 | 12:00am
Naku!, ang laki ng tampo ni Carlo Maceda sa kung sino man ang gumawa ng poster na nakasabit sa mga pader ng Little Asia nung araw na magpa-presscon ang pelikulang Operation Balikatan na nagtatampok sa mga comebacking action stars na sina Caloocan Mayor Rey Malonzo at taekwondo practitioner Monsour del Rosario plus Eddie Garcia, Patricia Javier, Archie Adamos at ang mga American actors na sina Christian Boeving, Nate Adams at Daves Youngblood.
Hindi siya kasama sa poster nito at kung may pangalan man siya sa billing, napakaliit nito at halos hindi na mabasa.
Syempre, nagtampo siya. "Hindi ko malaman kung bakit nila ako ginanon. Malaki naman ang role ko, mga 15 days din akong nag-shoot," hinagpis ng aktor na dahilan sa suma-sideline sa mga bold movies ay naguguluhan sapagkat nakakaapekto ito sa kanyang teaching job. Nagtuturo siya ng math sa isang international school.
"Hindi ko na nga malaman ang gagawin ko. Lubha na akong naguguluhan kaya tumanggap na ako ng comedy movie sa Star Cinema at Viva Films.
"Im supposed to walk out from this presscon pero, gusto kong suportahan ang movie dahil talagang maganda ito. Napanood ko na at humanga ako sa magandang pagkaka-handle dito ni Direk Cirio H. Santiago. Dito, talagang action ako. I climb mountains, roll in the mud, run in the river, mahirap but I enjoyed every moment of it dahil I learned so much, lalo na yung paghahanap ng anggulo. Dati, I used to wonder why my co-actors were snapping their heads, yun pala inihahanap nila ng magandang anggulo ang mga mukha nila. Hindi ko alam yun nun, kaya maraming beses, hindi maganda ang mga angles ko," imporma niya.
Samantala, sa isang pakikipag-usap kay Mayor Rey Malonzo, sinabi niya na nagkamali lamang ang Viva sa mga poster pero, ire-rectify nila ito. "Hindi naman pwede yun. Totoong malaki ang role ni Carlo sa movie, bida rin siya. Gagawan ng paraan yun ng Viva," pangako ng Mayor na malabis ang excitement dahil for the first time ay nagkaroon siya ng passionate kissing scene kay Patricia Javier.
"Hindi bastos ang scene pero, very hot din. First time ko na makahalik ng ganun," sabi niya.
Hindi takot si Mayor Malonzo na ma-pirate ang pelikula nila. "Dalawa ang versions nito at magkaiba ang dalawa. Pero, sa tingin ko, mas maganda yung local version dahil may drama, yung international version ay mas ma-action."
Sinabi rin ng nagbakasyon na mayor na lahat sila ay nagkasakit habang ginagawa ang pelikula. "Ang hirap kasi, nagkapasa-pasa kaming lahat habang ginagawa ang movie."
Kung abala si Mayor Malonzo, ganundin ang kanyang maybahay na si Gigi Malonzo na magkakaroon ng kanyang sariling TV show, isang magazine show na kung saan ay makakasama niya bilang co-host si Manilyn Reynes. Pambabae ang show na tumatalakay sa motherhood.
Mas gumanda ang takbo ng showbiz career ni Regine Tolentino nang magkahiwalay sila ng asawa niyang si Lander Vera Perez. Mabuti na lamang at kahit magkahiwalay sila ay magkaibigan pa rin sila. Kay Lander naiiwan ang dalawa nilang anak na babae kapag may shooting o taping si Regine. At kung may trabaho si Lander, sa nanay ni Regine naiiwan ang mga ito.
Ngayon, lubos na naniniwala si Regine na totoo nga na hindi mapagsasabay ang career at marriage. May magsa-suffer na isa. Pero, optimistic siya na magkakasama rin silang muli ni Lander. Lalot pinangangatawanan ni Lander ang pagsasaayos ng buhay nito. Happy si Regine na malaman na binalikan ng asawa ang pag-aaral nito.
Regine for her part ay hindi makapaniwala na people have finally accepted her. Ang dami niyang trabaho! Bukod sa kanyang movie na Bertud ng Putik na kung saan ay kontrabida ang role niya, bilang isang babae na pilit na inaagaw si Bong Revilla sa asawa nito sa movie portrayed by Rochelle Pangilinan.
May kissing scene sila ni Bong na ipinagpaalam niya sa asawa dahil nangako sila sa isat isa na hindi sila makikipag-kissing scene dahil pareho silang seloso.
"I had to tell him, pumayag naman siya because he, too, has realized na this is part of our job as artistas."
Regine, too, has joined Unang Hirit , dahil nasa honeymoon si Lyn Ching at malapit nang magsilang si Suzie Entrata.
Her next movie will probably be with Imus Productions too. Baka gawin niya ang isang movie na based sa life ni Maria Theresa Carlson. Kapag natuloy ito, gusto niyang makapareha si Christopher de Leon.
Hindi siya kasama sa poster nito at kung may pangalan man siya sa billing, napakaliit nito at halos hindi na mabasa.
Syempre, nagtampo siya. "Hindi ko malaman kung bakit nila ako ginanon. Malaki naman ang role ko, mga 15 days din akong nag-shoot," hinagpis ng aktor na dahilan sa suma-sideline sa mga bold movies ay naguguluhan sapagkat nakakaapekto ito sa kanyang teaching job. Nagtuturo siya ng math sa isang international school.
"Hindi ko na nga malaman ang gagawin ko. Lubha na akong naguguluhan kaya tumanggap na ako ng comedy movie sa Star Cinema at Viva Films.
"Im supposed to walk out from this presscon pero, gusto kong suportahan ang movie dahil talagang maganda ito. Napanood ko na at humanga ako sa magandang pagkaka-handle dito ni Direk Cirio H. Santiago. Dito, talagang action ako. I climb mountains, roll in the mud, run in the river, mahirap but I enjoyed every moment of it dahil I learned so much, lalo na yung paghahanap ng anggulo. Dati, I used to wonder why my co-actors were snapping their heads, yun pala inihahanap nila ng magandang anggulo ang mga mukha nila. Hindi ko alam yun nun, kaya maraming beses, hindi maganda ang mga angles ko," imporma niya.
"Hindi bastos ang scene pero, very hot din. First time ko na makahalik ng ganun," sabi niya.
Hindi takot si Mayor Malonzo na ma-pirate ang pelikula nila. "Dalawa ang versions nito at magkaiba ang dalawa. Pero, sa tingin ko, mas maganda yung local version dahil may drama, yung international version ay mas ma-action."
Sinabi rin ng nagbakasyon na mayor na lahat sila ay nagkasakit habang ginagawa ang pelikula. "Ang hirap kasi, nagkapasa-pasa kaming lahat habang ginagawa ang movie."
Ngayon, lubos na naniniwala si Regine na totoo nga na hindi mapagsasabay ang career at marriage. May magsa-suffer na isa. Pero, optimistic siya na magkakasama rin silang muli ni Lander. Lalot pinangangatawanan ni Lander ang pagsasaayos ng buhay nito. Happy si Regine na malaman na binalikan ng asawa ang pag-aaral nito.
Regine for her part ay hindi makapaniwala na people have finally accepted her. Ang dami niyang trabaho! Bukod sa kanyang movie na Bertud ng Putik na kung saan ay kontrabida ang role niya, bilang isang babae na pilit na inaagaw si Bong Revilla sa asawa nito sa movie portrayed by Rochelle Pangilinan.
May kissing scene sila ni Bong na ipinagpaalam niya sa asawa dahil nangako sila sa isat isa na hindi sila makikipag-kissing scene dahil pareho silang seloso.
"I had to tell him, pumayag naman siya because he, too, has realized na this is part of our job as artistas."
Regine, too, has joined Unang Hirit , dahil nasa honeymoon si Lyn Ching at malapit nang magsilang si Suzie Entrata.
Her next movie will probably be with Imus Productions too. Baka gawin niya ang isang movie na based sa life ni Maria Theresa Carlson. Kapag natuloy ito, gusto niyang makapareha si Christopher de Leon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended