^

PSN Showbiz

Pamilya ni Oyo Boy, inimbita ng dad ni Anne sa Australia

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tinanong namin si Anne Curtis kung ano ang papel na ginagampanan niya sa Alab ng Lahi. Sinabi nito na isa siyang Fil-Am guerilla na na-in love kay Jacky Woo na gumanap bilang Japanese officer. Pero hindi natuloy ang relasyon dahil napatay si Anne.

First time gumanap ni Anne sa isang period movie at kahit mahirap ang ibang eksena ng gyera ay enjoy naman siya dahil kakaiba ito sa ibang pelikulang nagawa niya.

Kumusta naman si Oyo Boy Sotto at ang bakasyon nila sa Australia? "Masaya kami at dapat nga ay kasama namin ang kanyang mommy at daddy, gayundin si Danica. Kasi pinaiimbita silang lahat ni Daddy. Boto nga si Dad kay Oyo para maging son-in-law," dagdag pa nito.
Binoe, Sa Australia Titira!
Excited na si Robin Padilla dahil first time niyang magsulat ng kasaysayang pampelikula at magprodyus din ng period movie kasosyo si Jacky Woo. Habang bata pa ay nag-iipon na ng pera ang action star dahil magpapatayo ito ng bahay sa Australia. Doon naninirahan ngayon ang asawa niya’t mga anak.

Kaya nga para matupad ang pangarap na makapag-ipong mabuti ay naisipan nitong magprodyus ng pelikula gaya ng Alab ng Lahi na initial venture ng RCP Films International. May sarili na itong opisina sa FLT Films at talagang suportado ni Mommy Rose Flaminiano. Napag-alaman din namin na sa isang bangko idini-deposit ni Binoe ang naiipong pera sa Australia. Katulong ng aktor ang mga kapatid na sina Rommel, Royette at Rustom sa pagpapatakbo ng kanilang produksyon.

Umaasa si Robin na tatangkilikin ng lahat lalo na ng mga estudyante ang Alab ng Lahi dahil iniindorso ito ng Department of Education mula Grade V hanggang sa kolehiyo.
Rita, Nagpakasal Na
Nag-asawa na rin pala si Rita Avila. Ikinasal ito sa TV director na si Erick Reyes sa huwes noong nakaraang Disyembre. Prioridad ngayon ng aktres ang pagkakaroon nila ng anak kaya iniiwasan nito ang mabibigat na trabaho. Sa TV muna ito magko-concentrate. Kailangan na rin nitong magkaroon ng baby lalo pa at 38 years old na siya.
Bagets Ang GF Ni Vic!
Hindi rin naitago ang relasyon ni Vic Sotto at Pia Cabrera na kaedad lang ni Danica. Tanggap na naman ito ng unica hija ni Vic at sinasabihan si Pia na sana’y mahalin ng tapat ang ama.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Dina tungkol dito?

Naniniwala naman ang magaling na aktres na malakas ang karisma ng kanyang ex-hubby at pwede pa rin itong magkanobya nang mas bata kaysa kanya. Inamin naman nito na kahit nga sa kanya ay marami ring batang nagkakagusto.

May kanya-kanya nang buhay ang dalawa pero nanatili pa ring mabuting magkaibigan ang dalawa.

ALAB

ANNE CURTIS

BAGETS ANG

DANICA

DEPARTMENT OF EDUCATION

ERICK REYES

FILMS INTERNATIONAL

JACKY WOO

LAHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with