Jacky Woo, mas magaling kay Robin sa martial arts
June 5, 2003 | 12:00am
Bagaman at kakaunti ang nasasabi ni Jacky Woo na isang malaking investor at co-producer ni Robin Padilla sa pelikulang Alab ng lahi na ipalalabas sa Manila Film Festival, napaka-open nito sa kanyang admiration kay Binoe na sinabi niyang "totoong tao". Kahit wala silang proyekto ay madalas silang magkasama, lalo na ngayong nasa bahagi na ng promosyon ang kanilang pinagsamahang pelikula bilang artista at bilang producer.
Hanggang Hunyo 21 lamang si Jacky sa bansa, kinakailangan niyang bumalik ng Japan para asikasuhin ang napakarami niyang negosyo dun. Habang naririto, masipag siya sa pagpu-promote ng Alab ng Lahi. Katunayan, nakita ko siya nung Linggo sa SM Southmall na gumagawa ng isang mini concert bilang bahagi rin ng promo ng movie. At kinabukasan sa FLT Films na siyang nagri-release ng pelikula, sila lamang ni Anne Curtis ang na-interview para sa movie. Dumating din daw si Robin nang magaa-alas onse ng gabi.
Marami ang nagkukumpara sa kanila ni Robin at madalas itanong sa kanya kung sino sa kanilang dalawa ang mas magaling. Sinabi ni Jacky na bagaman at may kanya-kanya silang style, mas magaling siya kay Robin pagdating sa martial arts. "Pero, mas magaling siya sa baril at nakakapag-iba-iba siya ng image," sabi nito sa wikang Hapon na tina-translate ng isang interpreter sa Pilipino.
Ang Alab ng Lahi ay tungkol sa pagsakop ng Hapones sa mga Pilipino. Si Robin ay isang guerrilla at isang sundalong Hapones naman si Jacky. Nagsimula silang magkaaway pero naging magkaibigan nang kapwa nila mapagtanto na ang kalaban ay hindi ang bansang Hapon. Ang pelikula ay nasa direksyon ni Bebong Osorio.
Parang naaawa ako sa anak ko na ilang ulit nang na-frustrate na maging isang subscriber ng Sun Cellular. Mayroon naman siyang magandang cellphone na Globe at Smart pero, nag-ambisyon pa ring magkaroon ng Sun Cellular, siguro dahil sa mga free cellphones na pangako nito.
Dahil istudyante pa lang siya, di siya maka-avail ng linya. Kaya nag-SOS sa akin. Hiniram ang ID ko, ITR, proofs of billing, pati passbooks pero, di rin nakapag-apply. Naiinsulto tuloy ako dahil aking mga papeles ang ginagamit niya.
Naging curious ako, sinamahan ko one time. Bukod sa mga dala-dalang papeles, hinihingian siya ng certificate of employment at birth certificate ko. Ito ay sa kabila ng may dala siyang mga papeles na unang hinihingi. Di ba nakakainsulto? Para guluhin ko pa ang opisina na binigyan kaming mga editor ng pagkakataon na magkaroon ng 7650, sabi ko sobra na. At yung birth certificate ko na ipinagawa ko sa abogado nang bumili ako ng house & lot dahil nawala yung orig ay ayaw kong ibigay dahil telepono lang ang binibili ko, ng anak ko na hindi naman pala libre dahil kailangan pa niyang magbayad ng P9000 at kailangan pa niyang maghintay ng unit. Kaya pala marami ang nag-advice sa anak ko na huwag nang kumuha ng Sun Cellular dahil matagal maghintay ng unit at napaka-raming kaek-ekang hinihingi!.
May pakulo si Konsehal Aiko Melendez para sa mga gay constituents niya sa District 2 ng QC. Ito ang Ms. Gay Sinta Ng Bayan na magaganap sa UP Bahay ng Alumni sa ika-7 ng Hunyo, 7:00 ng gabi. Dalawamput siyam na naggagandahang bading ang maglalaban-laban.
Bukod sa cash prize for 3 best candidates, tatanggap ng scholarship ang tatanghaling Ms. Gay Sinta Ng Bayan na sasaksihan ng mga panauhing sina Malik, Rey Kilay, Anton at ang mag-inang Inday Badiday at Dolly Ann Carvajal.
Ang pakontes na ito ay suportado ng Friendly Care Foundation, Alaska, Superior Lake Seafood Restaurant and KTV, Tivoli Royale Country Club, Aquaclean Mineral Water, Jollibee Commonwealth, Tips n Toes Morato, Treehouse Restaurant at Sogo Hotel.
Ang proceeds ay mapupunta sa health needs ng entertainment press kaya tuwang- tuwa kay Aiko ang mga kaibigan sa movie press.
"This is my way of saying thank you to all my press friends who made me. Malaki ang utang na loob ko sa press, tumatanaw lang ako," anang maganda pa ring aktres at ngayon ay masipag na konsehal ng Kyusi.
Hanggang Hunyo 21 lamang si Jacky sa bansa, kinakailangan niyang bumalik ng Japan para asikasuhin ang napakarami niyang negosyo dun. Habang naririto, masipag siya sa pagpu-promote ng Alab ng Lahi. Katunayan, nakita ko siya nung Linggo sa SM Southmall na gumagawa ng isang mini concert bilang bahagi rin ng promo ng movie. At kinabukasan sa FLT Films na siyang nagri-release ng pelikula, sila lamang ni Anne Curtis ang na-interview para sa movie. Dumating din daw si Robin nang magaa-alas onse ng gabi.
Marami ang nagkukumpara sa kanila ni Robin at madalas itanong sa kanya kung sino sa kanilang dalawa ang mas magaling. Sinabi ni Jacky na bagaman at may kanya-kanya silang style, mas magaling siya kay Robin pagdating sa martial arts. "Pero, mas magaling siya sa baril at nakakapag-iba-iba siya ng image," sabi nito sa wikang Hapon na tina-translate ng isang interpreter sa Pilipino.
Ang Alab ng Lahi ay tungkol sa pagsakop ng Hapones sa mga Pilipino. Si Robin ay isang guerrilla at isang sundalong Hapones naman si Jacky. Nagsimula silang magkaaway pero naging magkaibigan nang kapwa nila mapagtanto na ang kalaban ay hindi ang bansang Hapon. Ang pelikula ay nasa direksyon ni Bebong Osorio.
Dahil istudyante pa lang siya, di siya maka-avail ng linya. Kaya nag-SOS sa akin. Hiniram ang ID ko, ITR, proofs of billing, pati passbooks pero, di rin nakapag-apply. Naiinsulto tuloy ako dahil aking mga papeles ang ginagamit niya.
Naging curious ako, sinamahan ko one time. Bukod sa mga dala-dalang papeles, hinihingian siya ng certificate of employment at birth certificate ko. Ito ay sa kabila ng may dala siyang mga papeles na unang hinihingi. Di ba nakakainsulto? Para guluhin ko pa ang opisina na binigyan kaming mga editor ng pagkakataon na magkaroon ng 7650, sabi ko sobra na. At yung birth certificate ko na ipinagawa ko sa abogado nang bumili ako ng house & lot dahil nawala yung orig ay ayaw kong ibigay dahil telepono lang ang binibili ko, ng anak ko na hindi naman pala libre dahil kailangan pa niyang magbayad ng P9000 at kailangan pa niyang maghintay ng unit. Kaya pala marami ang nag-advice sa anak ko na huwag nang kumuha ng Sun Cellular dahil matagal maghintay ng unit at napaka-raming kaek-ekang hinihingi!.
Bukod sa cash prize for 3 best candidates, tatanggap ng scholarship ang tatanghaling Ms. Gay Sinta Ng Bayan na sasaksihan ng mga panauhing sina Malik, Rey Kilay, Anton at ang mag-inang Inday Badiday at Dolly Ann Carvajal.
Ang pakontes na ito ay suportado ng Friendly Care Foundation, Alaska, Superior Lake Seafood Restaurant and KTV, Tivoli Royale Country Club, Aquaclean Mineral Water, Jollibee Commonwealth, Tips n Toes Morato, Treehouse Restaurant at Sogo Hotel.
Ang proceeds ay mapupunta sa health needs ng entertainment press kaya tuwang- tuwa kay Aiko ang mga kaibigan sa movie press.
"This is my way of saying thank you to all my press friends who made me. Malaki ang utang na loob ko sa press, tumatanaw lang ako," anang maganda pa ring aktres at ngayon ay masipag na konsehal ng Kyusi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
23 hours ago
23 hours ago
Recommended