Movie ni Aiai, umabot na ng P50-M
June 3, 2003 | 12:00am
Ang second finalist for the Star In A Million singing contest sa ASAP Mania ay si Gayle Dizon. Marami ang nanghihinayang for Lynne de Guzman dahil nawalan siya ng chance to win the P1M prize sa gaganaping grand finals sa December. Base sa aming feedback, although napakaganda ng timbre ng boses ni Lynne, ang sinisisi ng mga texters ay mali ang piniling piyesa ni Lynne. Whoever gave that fast number for Lynne para kantahin niya last Sunday ay siyang may sala. Bumawi si Lynne sa huli, nung sabayan nila ni Zsazsa Padilla, but too late dahil votes were tallied in favor of Gayle Dizon, na isa ring panlaban ang boses.
In fairness naman with Gayle, naging confident and that made her stand-out kahit pa noong unang Sunday na nakipaglaro sa eliminations. Next Sunday, another batch of five hopefuls will fill up the remaining slots for the grand finals na tiyak na aabangan ng lahat.
Umaga pa lang ng Sunday, June 1, nai-timbre na sa amin ang pagkahaba-habang pila sa halos lahat ng malls na pinagtatanghalan ng Ang Tanging Ina, ang pelikula ni Aiai delas Alas na hinuhulaang sisira ng alinmang box-office records ng kahit na anong pelikulang ipinalabas sa history ng Philippine movie industry.
Bago pa man mag-Sunday, almost P50M na ang gross nito sa four days of exhibition nito sa more than 100 theaters nationwide. Ang maganda sa success ni Aiai, halos lahat ay iisa lamang ang kanilang sinasabi, pinanood nila ang movie to support Aiai and second, tunay pong nakakaaliw ang movie.
Nakatanggap kami ng maraming e-mails at mga text messages from our readers at natutuwa sila sa ganda ng Buttercup which premiered last Saturday primetime and stars Claudine Barretto, Piolo Pascual, Onemig Bondoc, Assunta de Rossi, Diether Ocampo, Carlos Agassi and a lot more. Marami raw nakaka-relate sa nasabing dramedy dahil mga buhay-buhay sa ating lipunan ang pinagbasehan ng mga writers para maging makatotohanan ang palabas. Sa mga susunod pang episodes, maraming kapatid ang makaka-relate sa buhay nina Onemig at Carlos. Revelation din sina Piolo at Claudine na matagal nang niri-request ng mga fans na magsama sa TV at pelikula.
For your comments and reactions, you can e-mail me at ericjohnsalut@yahoo. com
In fairness naman with Gayle, naging confident and that made her stand-out kahit pa noong unang Sunday na nakipaglaro sa eliminations. Next Sunday, another batch of five hopefuls will fill up the remaining slots for the grand finals na tiyak na aabangan ng lahat.
Bago pa man mag-Sunday, almost P50M na ang gross nito sa four days of exhibition nito sa more than 100 theaters nationwide. Ang maganda sa success ni Aiai, halos lahat ay iisa lamang ang kanilang sinasabi, pinanood nila ang movie to support Aiai and second, tunay pong nakakaaliw ang movie.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended