^

PSN Showbiz

Baby boy ang unang anak ni Isabel

-
Nakapagsilang na ang singer-actress na si Isabel Granada ng kanilang first baby ng husband niyang si Geryk Genasky (Jerico Genasky Aguas sa tunay na buhay) nung nakaraang Huwebes (May 29), ganap na alas-5:40 ng hapon sa Angeles City University Foundation Hospital in Angeles City, Pampanga sa tulong ng kanyang obstetrician na si Dra. Muñoz. Baby boy ang isinilang ni Issa via Caesarian section at ang bata ay tumitimbang ng 7.15 lbs. Pinangalanan ng mag-asawa ng Jerico Hubert Thomas, pinagsama-samang pangalan nina Geryk, ang yumaong ama ni Issa na si Huberto at lolo ni Geryk sa father side na si Tomas.

Ayon kay Issa, hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadama nang una niyang makita ang kanyang baby na umiiyak.

Ang hitsura ng bata ay pinaghalong Issa at Geryk. Nasa tabi ni Issa ang kanyang mister at inang si Mommy Guapa (Isabel) mula sa kanyang panganganak hanggang sa ito’y dalhin sa kanyang private room.

Kung noon ay nagkaroon ng matinding tampuhan ang mag-inang Isabel (Isabel din kasi ang pangalan ni Mommy Guapa), ngayon ay muling magkasundo ang mag-ina at excited din si Mommy Guapa sa kanyang unang apo. Nanghihinayang lamang si Mommy Guapa dahil hindi naabutan ng kanyang mister ang kanyang unang apo sa kaisa-isa nilang anak na si Isabel.

Ayon kay Issa, ibi-breastfeed niya ang kanyang baby.

Samantala, kapag pwede nang iwan ni Issa ang una nilang supling ni Geryk ay ipagpapatuloy nito ang kanyang singing and acting career sa tulong ng kanyang business manager na si Dondon Monteverde. (Ulat ni Aster Amoyo)

ANGELES CITY

ANGELES CITY UNIVERSITY FOUNDATION HOSPITAL

ASTER AMOYO

AYON

DONDON MONTEVERDE

GERYK

GERYK GENASKY

ISSA

KANYANG

MOMMY GUAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with