Kapuri-puri ang magkakapatid na Revilla
June 1, 2003 | 12:00am
Sa sneak preview ng pilot episode ng bagong GMA teledrama, Narito Ang Puso Ko na bida si Jolina Magdangal kasama ang maraming mahuhusay na artista, marami na ang pinaiyak ng unang hirit pa lamang.
Very touching ang eksena nina Amy Austria at Jolina. Imposibleng mapigilan ang masaganang pagpatak ng luha. Talagang kahit kailan itong si Amy Austria, ever reliable.
Sabi nga ni Mario Bautista, eversince naman kahit noong nagsisimula pa lang mag-artista ang multi-awarded actress, effortless talagang umarte. Natural na natural kayat very convincing.
Kaya naman hindi nababakante si Amy. Mahalaga at full-length ang role niya sa Narito Ang Puso Ko. Siya ang nanay-nanayan ni Antonina (Jolina) ang nawawalang paboritong apo ng ubod ng yamang si Rosa Rosal.
Kitang-kita ang sobrang-laking budget ng Narito Ang Puso Ko sa first episode pa lamang. Mega-rangya ang production design at feeling rich ka talaga kapag pinanood mo. Pwera na nga lang kung sa eksena nina Jolina at Amy mapupunta.
Sa mga artista pa lamang may malaking hatak naEddie Garcia, Rosa Rosal, Lilia Dizon, Ariel Rivera, Raymond Bagatsing, Dina Bonnevie, Amy Austria, Karen delos Reyes (bilang pekeng Antonina), Monsour del Rosario, Benjie Paras at ang mga leading men ni Jolina na sina Raymart Santiago at James Blanco.
Tuwang-tuwa si Amy na makasama niya sa isang palabas ang mga mahuhusay na artista.
"Sa ganitong show, mahalaga ang teamwork," sabi ni Amy. "Okey lang na mahusay ka, pero higit na importante ang attitude. Dapat mag-blend ang ugali mo sa lahat ng nasa show. Siyempre pumapasok ang professionalism. Kailangan laging nasa tamang oras ang dating mo."
"I always make it a point na handa na akong humarap sa kamera, pagdating ko. Ibig sabihin alam ko na by heart ang mga linya ko at kung ano ang eksenang kukunan sa akin. Syempre nakapag-internalize na ako. Sa mga pagkakataon naman kailangang mag-overtime at lumampas na sa schedule ang taping, okey lang. Dapat napaghandaan na ang mga pagkakataong tulad nito."
So obvious na kung bakit lahat ng nakakasama niyang artista enjoy at inspirado kay Amy.
Hanga naman ako sa pamilyang Revilla/Bautista. Kitang-kita kung paano sila magtulungan at magmahalan. Noong nag-preview ang Ang Kapitbahay sa Podium Cinema, nandoon silang lahat mula sa panganay na si Rowena hanggang sa bunsong si Andeng (Andrea na dating child actress na naging newscaster).
Kahit ang super busy na si Bong Revilla, dumating agad bago mag-umpisa ang screening ng pelikula. That same day, noong lunchtime may presscon ang kanyang entry sa Manila Film Festival na Bertud ng Putik.
Pagkatapos ng presscon, takbo siya sa taping ng isang episode ng Teysi. "Pinagluto pa ako ng steak doon," kwento ni Bong. After the taping takbo na siya sa Podium para mapanood ang Ang Kapitbahay.
Sa magandang pagsasama ng magkakapatid na Revilla/Bautista, hindi na kami nagtataka kung bakit umuunlad ng husto ang panibagong-siglang Imus Productions.
Wala akong masabi kay Claire dela Fuente. Sa isang special occasion na pangungunahan ni Pangulong Gloria M. Arroyo sa Quirino Grandstand sa Rizal Park this Sunday at 2 p.m., si Claire ang master of ceremonies. At siya rin ang chairperson ng program committee.
Tungkol kasi sa lahat ng kasali sa land transportation sa ating bansa ang okasyon. Kayat lahat ng mga may bus, jeepney at tricyclepati na ang mga driversdadalo sa pagtitipon. May mahahalagang proklamasyon si Pres. GMA tungkol sa land transportation industry.
Very touching ang eksena nina Amy Austria at Jolina. Imposibleng mapigilan ang masaganang pagpatak ng luha. Talagang kahit kailan itong si Amy Austria, ever reliable.
Sabi nga ni Mario Bautista, eversince naman kahit noong nagsisimula pa lang mag-artista ang multi-awarded actress, effortless talagang umarte. Natural na natural kayat very convincing.
Kaya naman hindi nababakante si Amy. Mahalaga at full-length ang role niya sa Narito Ang Puso Ko. Siya ang nanay-nanayan ni Antonina (Jolina) ang nawawalang paboritong apo ng ubod ng yamang si Rosa Rosal.
Kitang-kita ang sobrang-laking budget ng Narito Ang Puso Ko sa first episode pa lamang. Mega-rangya ang production design at feeling rich ka talaga kapag pinanood mo. Pwera na nga lang kung sa eksena nina Jolina at Amy mapupunta.
Sa mga artista pa lamang may malaking hatak naEddie Garcia, Rosa Rosal, Lilia Dizon, Ariel Rivera, Raymond Bagatsing, Dina Bonnevie, Amy Austria, Karen delos Reyes (bilang pekeng Antonina), Monsour del Rosario, Benjie Paras at ang mga leading men ni Jolina na sina Raymart Santiago at James Blanco.
Tuwang-tuwa si Amy na makasama niya sa isang palabas ang mga mahuhusay na artista.
"Sa ganitong show, mahalaga ang teamwork," sabi ni Amy. "Okey lang na mahusay ka, pero higit na importante ang attitude. Dapat mag-blend ang ugali mo sa lahat ng nasa show. Siyempre pumapasok ang professionalism. Kailangan laging nasa tamang oras ang dating mo."
"I always make it a point na handa na akong humarap sa kamera, pagdating ko. Ibig sabihin alam ko na by heart ang mga linya ko at kung ano ang eksenang kukunan sa akin. Syempre nakapag-internalize na ako. Sa mga pagkakataon naman kailangang mag-overtime at lumampas na sa schedule ang taping, okey lang. Dapat napaghandaan na ang mga pagkakataong tulad nito."
So obvious na kung bakit lahat ng nakakasama niyang artista enjoy at inspirado kay Amy.
Kahit ang super busy na si Bong Revilla, dumating agad bago mag-umpisa ang screening ng pelikula. That same day, noong lunchtime may presscon ang kanyang entry sa Manila Film Festival na Bertud ng Putik.
Pagkatapos ng presscon, takbo siya sa taping ng isang episode ng Teysi. "Pinagluto pa ako ng steak doon," kwento ni Bong. After the taping takbo na siya sa Podium para mapanood ang Ang Kapitbahay.
Sa magandang pagsasama ng magkakapatid na Revilla/Bautista, hindi na kami nagtataka kung bakit umuunlad ng husto ang panibagong-siglang Imus Productions.
Tungkol kasi sa lahat ng kasali sa land transportation sa ating bansa ang okasyon. Kayat lahat ng mga may bus, jeepney at tricyclepati na ang mga driversdadalo sa pagtitipon. May mahahalagang proklamasyon si Pres. GMA tungkol sa land transportation industry.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended