^

PSN Showbiz

Ang mister ni Sherilyn ang humingi ng annulment

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Kahapon sa Showbiz Sabado ay nilinaw ni Junjun Santiago na siya ang naghain ng petition for annulment sa kasal nila ni Sherilyn Reyes, kabaligtaran ng sinabi ng aktres sa kanyang mga panayam na ito ang nagpawalang-bisa sa kanilang kasal ni Junjun.

Masakit man ay diretso ring ipinahayag ni Junjun na siya ang kinaliwa ni Sherilyn, may mga hawak siyang ebidensya ng pangangaliwa nito, kaya siya nagsampa ng petition for annulment ng kanilang kasal.

Mararamdaman sa mga pahayag ni Junjun ang pinaghalong sakit ng loob at panghihinayang sa isang relasyon na inakala niyang hahantong sa kanilang pagtanda ni Sherilyn, pero dahil sa pagiging mabuway ng disposisyon nito, ang pinangarap nilang relasyon ay nauwi sa wala.

Pero kahanga-hanga si Junjun, kung sa ibang lalaki lang naganap ang nangyari sa kanya habang nagsasama pa sila ni Sherilyn, siguro’y nanghiram na ng mukha sa aso ang babae sa ganu’ng sitwasyon.

Ang emosyon kasi ay humuhulagpos, walang may pinag-aralan at mal-edukado kapag emosyon na ang pinag-uusapan, nakalilimot sa wastong asal ang mga taong nasasaktan.

Lalo na sa posisyon ni Junjun na literal na nilagyan ng dumi sa ulo ng kanyang asawa, ang paglalagay niya ng sitwasyon sa mga kamay ng batas ay kasalu-saludo, kahanga-hanga ang kapasidad niyang kontrolin ang kanyang sarili sa napakakrusyal na sitwasyon.

"Meron din akong tendency na magalit, pero hanggang salita lang ako, never kong pinagbuhatan ng kamay si Sherilyn despite what happened," sabi ng kapatid nina Randy, Rowell at Raymart.
* * *
Ang mga ipinahayag ni Junjun sa Showbiz Sabado ay hindi puro akusasyon lang, detalyado ang hawak niyang ebidensya na nagpapatunay kung bakit kailangang tuldukan na ang kanilang pagsasama ni Sherilyn, lalo na’t nu’ng Mayo 20 lamang lumabas ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal pero may walong buwan ng anak ang aktres sa basketbolistang si Chris Tan.

Hiwalay din pala sa asawa ang basketball player, ang asawa naman nito ang nagsampa ng petition for annulment, kaya pinagtagpo ng kapalaran ang dalawang inayawan ng kani-kanilang asawa.

Ngayon ay halinhinang pinalalaki nina Junjun at Sherilyn ang kanilang apat na taong-gulang na anak na si Reily Paolo, ingat na ingat si Junjun sa bata, kapag may interbyu sila ni Sherilyn sa telebisyon ay hindi nila ito pinapapanood.

Si Junjun ang pinakapribado sa magkakapatid na Santiago, palagi lang siyang nasa likod ng kanilang produksyon, wala siyang hilig humarap sa mga kamera.

Nu’ng malaman niya ang kawalang-katapatan ni Sherilyn sa kanilang relasyon, lalo na nu’ng mahawakan na niya ang mga ebidensya, ay tumira siya sa ancestral house ng mga Santiago.

Doon naghalinhinan sa pangangalaga sa kanya ang magkakapatid na Santiago, isinasama ng mga ito si Junjun sa kanilang mga lakad at lalong hindi nagkulang sa pagsuporta sa kanya si Mommy Celing.

"Ang laking bagay ng ginawa sa akin ng mama ko at ng mga kapatid ko. Masyado kaming close sa isa’t isa, kung sino ang nangangailangan ng suporta, naka-ready ang bawa’t isa sa amin," nakangiting pahayag ni Junjun.

Ngayong nadesisyunan na ng korte ang kanilang pagpapakasal nang dalawang beses ni Sherilyn ay nakahihinga na nang maluwag si Junjun, hindi nga naman ang ina ng kanyang anak ang simula at wakas ng kanyang buhay, hindi lang naman si Sherilyn Reyes ang nag-iisang isda sa malawak na dagat.

At bata pa si Junjun, isang araw ay makakatagpo rin siya ng babaeng magiging tapat sa kanya at sa kanilang relasyon.

CHRIS TAN

JUNJUN

JUNJUN SANTIAGO

KANILANG

MOMMY CELING

SHERILYN

SHERILYN REYES

SHOWBIZ SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with