^

PSN Showbiz

Jay Manalo gustong magpa-tattoo sa kanyang most private part

- Veronica R. Samio -
Naisulat ko na ang napakaraming tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Jay Manalo.

Sa presscon ng kanyang pelikulang Huling Birhen Sa Lupa ng Viva Films na kung saan ay nakasama niya ang dalawa sa pinaka-seksing artista sa pelikula, sina Ara Mina at Maui Taylor, muling naungkat ang kanyang mga tattoo sa katawan nang makita ng isang lady editor ang magandang tattoo niya sa kamay na animo’y pulseras.

Sinabi ni Jay na malakas ang tolerance niya sa pain, kaya nakakaya niyang pa-drowingan ang kanyang katawan. "Nagsimula lang ito nang mapaso ang aking binti sa tambutso ng isang sasakyan. Pina-tattoo-an ko ito nang ito ay gumaling kaya hindi na halata ang pilat na naiwan ng sugat," aniya.

May isa pa rin siyang sugat sa ulo na nakuha niya nang mabato siya, ito man ay pinalagyan niya ng tattoo nang gumaling. Pero, nagpakalbo muna ako para rito," dagdag pa niya.

Sa ngayon ay may plano si Jay na palagyan ng tattoo ang kanyang most private part. Naghahanap pa siya ng babaeng gagawa nito. "Ayaw ko naman sa lalaki dahil mako-conscious lang ako kapag hinawakan niya ito," katwiran ni Jay.

Inamin ni Jay na napi-pressure siya simula nang manalo siya sa Urian, pero, hindi niya ito hinahayaang maapektuhan siya. Kahit sinasabi nila na muli siyang mananalo ng Best Actor para sa pelikulang ito, ayaw itong isipin ni Jay. Katulad din nung hindi niya sineryoso ang kanyang nominasyon sa Urian.

"Pero, magiging ipokrito ako kapag sinabi kong hindi ako umaasam ng isang pang-award at napakaswerte ko na magagandang pelikula ang naa-assign sa akin," aniya.
* * *
* Sayang at inabot ng bagyo ang pagsisimula ng pagpapalabas ng Ang Kapitbahay, ang sexy thriller ng Imus Productions starring Belinda Bright, Albert Martinez, Joel Torre at Michelle Estevez, sa direksyon ni Humilde "Meek" Roxas.

Gayunpaman, marami ang humilera sa mga sinehang pinaglalabasan nito para makita ang ayon sa MTRCB ay isang bold movie that is done skilfully and with good taste. Sinabi pang ang pelikula ay isang patotoo na may pag-asa ang ating industriya ng pelikula.

Approved without cuts ang Ang Kapitbahay, maging ang mga frontal nudities ni Belinda, ang mga love scenes ni Joel sa kanya at kay Michelle. Lahat ito ay makikita sa pelikula.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ANG KAPITBAHAY

ARA MINA

BELINDA BRIGHT

BEST ACTOR

HULING BIRHEN SA LUPA

IMUS PRODUCTIONS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with