^

PSN Showbiz

Angelica, pang-TV ang buhay!

-
Dahil sa makulay na buhay ni Angelica Jones ay inalok siya ng Channel 7 na i-dramatize ang life story sa telebisyon. Pero pinag-iisipan pa ng kanyang inang si Mommy Beth kung papayag sa offer dahil baka magkaroon ng conflict sa Channel 2 since tagaroon na siya.

Sabagay, sa rami ng pinagdaanan ni Angelica, pwedeng-pwede talaga sa TV ang buhay niya. Sa murang edad na 14 ay napunta na sa Senate kung saan nagsampa siya ng reklamo laban sa dating manager na si Jojo Veloso at nanalo naman.

Bukod dito ay may sarili ring share of family problem si Angie dahil hindi rin naging maayos ang pagsasama ng kanyang magulang.

Pero kung si Angie ang tatanungin, gusto niyang ibaon ang lahat sa limot.

To further prove na nagsisimula nang lumikha si Angelica ng malaking hukbo ng tagahanga ay may kumausap na sa kanya mula sa tatlong probinsya, ang Pampanga, Zamboanga at Nueva Ecija at ipinaalam na magtatayo sila ng fans club.

"Siyempre, flattered ako dahil hindi ko akalain na nasusubaybayan pala nila ako at nagpapasalamat ako sa kanila dahil nagugustuhan nila ang mga ginagawa ko. Sila ang dahilan kung bakit lalo ko pang pagbubutihan ang aking career at umasa silang hinding-hindi ko sila bibiguin," sabi pa ni Angelica.

Bukod sa teleserye ay busy din si Angelica sa kanyang mga shows and concerts. And recently ay pumirma siya ng kontrata sa Jimm’s Herbal Beauty Product para maging endorser in print and TV ad. Sa kasalukuyan ay makikita na ang naglalakihang billboard ng actress/singer sa South Super Hi-way bilang endorser ng nasabing beauty product.

vuukle comment

ANGELICA JONES

ANGIE

BUKOD

DAHIL

HERBAL BEAUTY PRODUCT

JOJO VELOSO

MOMMY BETH

NUEVA ECIJA

PERO

SOUTH SUPER HI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with